Puwede mong alisin ang Chrome sa iyong computer (Windows, Mac, o Linux), o i-delete ang Chrome sa iPhone o iPad mo.
- Sa iyong iPhone o iPad, pindutin nang matagal ang Chrome .
- Sa kaliwang bahagi sa itaas ng icon, i-tap ang Alisin ang app.
- Para alisin ang Chrome at i-delete ang iyong impormasyon sa profile, tulad ng mga bookmark at history, i-tap ang I-delete ang app.
Kung magde-delete ka ng impormasyon sa profile kapag nag-uninstall ka ng Chrome, mawawala na ang data sa iyong iPhone o iPad. Kung naka-sign in ka sa Chrome at magse-save ka ng data sa iyong Google Account, posibleng nasa mga server pa rin ng Google ang ilang impormasyon.
Mag-ayos ng mga problema sa Chrome
I-uninstall at i-install ulit ang Chrome para ayusin ang karamihan sa mga problema sa mga default na search engine, pop-up, o update sa Chrome.