Puwede mong alisin ang Chrome sa iyong computer (Windows, Mac, o Linux), o i-delete ang Chrome sa iPhone o iPad mo.
I-disable ang Chrome
Naka-install na ang Chrome sa karamihan ng Android device at hindi ito maaaring maalis. Puwede mo itong i-off para hindi ito makita sa listahan ng mga app sa iyong device.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device .
- I-tap ang Mga App.
- I-tap ang Chrome . Kung hindi mo ito makita, i-tap muna ang Tingnan ang lahat ng app o Impormasyon ng app.
- I-tap ang I-disable.
Gumamit ng ibang browser
Kung ayaw mong gamitin ang Chrome, puwede kang mag-install at gumamit ng ibang web browser.
Mag-ayos ng mga problema sa Chrome
I-uninstall at i-install ulit ang Chrome para ayusin ang karamihan sa mga problema sa mga default na search engine, pop-up, o update sa Chrome.