Maaari kang makatulong na pahusayin ang Google Chrome sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng feedback tungkol sa anumang problemang mayroon ka.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app .
- Sa kanang bahagi ng address bar, i-tap ang Higit pa Tulong at feedback.
- Sa ibaba, i-tap ang Magpadala ng feedback.
- Magdagdag ng mga detalye, kabilang ang mga hakbang upang matulungan kaming muling gawin ang isyung nararanasan mo.
- Piliin kung gusto mong magsama ng higit pang impormasyon sa iyong ulat, tulad ng address sa web, email address mo, o screenshot.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Ipadala .
Pinahahalagahan namin ang iyong tulong! Maaaring hindi kami makapagpadala sa iyo ng indibidwal na tugon, ngunit sisiyasatin namin ang iyong ulat at gagamitin ang impormasyong ibinigay mo upang pahusayin ang Google Chrome.