Itakda ang iyong homepage at page sa pagsisimula

Puwede mong i-customize ang Google Chrome para magbukas ng anumang page para sa homepage o page sa pagsisimula. Hindi magkapareho ang dalawang page na ito maliban na lang kung itatakda mong maging magkapareho ang mga ito.

  • Ang iyong page sa pagsisimula ay ang page na lalabas kapag una mong inilunsad ang Chrome sa device mo.
  • Ang iyong homepage ay ang page kung saan ka mapupunta kapag na-click mo ang Home Home.

Kung biglang nagbago ang iyong page sa pagsisimula, homepage, o search engine, posibleng mayroon kang hindi gustong software. Alamin kung paano maghanap at mag-alis ng malware sa iyong device, at ibalik sa dati ang mga setting mo.

Itakda ang iyong page sa pagsisimula

Makokontrol mo kung anong page o mga page ang lalabas kapag inilunsad mo ang Chrome sa iyong computer.

Magbukas ng bagong tab
Puwede mong itakda ang Chrome na magbukas ng page ng Bagong Tab kapag magbubukas ka ng bagong window.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting
  3. Sa kaliwa, i-click ang Sa startup
  4. I-click ang Buksan ang page ng Bagong Tab.
Puwede mong i-customize ang iyong page ng Bagong Tab gamit ang:
  • Iyong mga shortcut
  • Mga recipe na tiningnan mo
  • Iyong mga shopping cart sa iba pang site
  • Iba't ibang tema
Alamin kung paano i-personalize ang iyong page ng Bagong Tab.
Magpatuloy kung saan ka huminto

Puwede mong itakda sa Chrome na buksan ulit ang mga parehong page na tinitingnan mo noong umalis ka.

Sa computer:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-click ang Sa startup.
  4. Piliin ang Magpatuloy kung saan ka huminto.

Sine-save ang iyong cookies at data, kaya bubukas ulit ang anumang website kung saan ka nag-log in dati (halimbawa ay Gmail). Kung ayaw mong awtomatikong ma-sign in sa mga page na ito, sundin ang mga hakbang sa ibaba:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-click ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay Mga setting ng site at pagkatapos ay Mga karagdagang setting ng content at pagkatapos ay On-device na data ng site.
  4. I-on ang I-delete ang data na na-save ng mga site sa iyong device kapag isinara mo ang lahat ng window.

Sa Chromebook: Para buksan ulit ang iyong mga page kapag nag-sign in ka, pindutin ang Ctrl + Shift + t.

Magbukas ng partikular na hanay ng mga page

Puwede mong sabihin sa Chrome na magbukas sa anumang webpage.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Sa startup," piliin ang Magbukas ng partikular na page o hanay ng mga page.
    • I-click ang Magdagdag ng bagong page. Ilagay ang address sa web at i-click ang Idagdag.
    • I-click ang Gamitin ang mga kasalukuyang page.

Para i-update ang iyong mga page, sa kanan ng page, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit o I-delete

Mga problema sa iyong pagsisimula o homepage

Kung gumagamit ka ng computer at nakakakita ka ng homepage o page sa pagsisimula na hindi ikaw ang nagtakda, posibleng may malware ang iyong computer. Alamin kung paano mag-block ng mga hindi gustong pagbabago sa Chrome.

Kung gumagamit ka ng Chromebook sa trabaho o paaralan, puwedeng ang iyong administrator ng network ang pumili ng (mga) page sa pagsisimula o homepage para sa iyo. Kung ganoon, hindi mo mababago ang mga ito. Para sa higit pang tulong, tanungin ang iyong administrator.

Piliin ang iyong homepage

Puwede mong kontrolin kung anong page ang lalabas kapag na-click mo ang Home Home.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Hitsura," i-on ang Ipakita ang button ng Home.
  4. Sa ibaba ng "Ipakita ang button ng Home," piliing gamitin ang page ng Bagong Tab o pumili ng custom na page

Lalabas ang button ng Home sa kaliwa ng iyong address bar. 

Mga setting ng Chrome, ayon sa gusto mo

Matutunan kung paano i-customize ang Chrome at baguhin ang mga setting ng iyong Chrome.

Alamin kung paano i-customize ang Chrome at baguhin ang mga setting ng iyong Chrome.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18407045227324994717
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false