Puwede mong i-customize ang Google Chrome para magbukas ng anumang page para sa homepage o page sa pagsisimula. Hindi magkapareho ang dalawang page na ito maliban na lang kung itatakda mong maging magkapareho ang mga ito.
- Ang iyong page sa pagsisimula ay ang page na lalabas kapag una mong inilunsad ang Chrome sa device mo.
- Ang iyong homepage ay ang page kung saan ka mapupunta kapag pinili mo ang Home
.
Kung biglang nagbago ang iyong page sa pagsisimula, homepage, o search engine, posibleng mayroon kang hindi gustong software. Alamin kung paano i-reset ang mga setting ng browser mo.
Itakda ang iyong page sa pagsisimula
Makokontrol mo kung anong page o mga page ang lalabas kapag inilunsad mo ang Chrome sa iyong computer.
Magbukas ng bagong tab- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Sa pagsisimula
Buksan ang page ng Bagong Tab.
- Iyong mga shortcut
- Iba't ibang tema
Puwede mong itakda sa Chrome na buksan ulit ang mga parehong page na tinitingnan mo noong umalis ka.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Sa pagsisimula
Magpatuloy kung saan ka huminto.
Sine-save ang iyong cookies at data, kaya bubukas ulit ang anumang website kung saan ka nag-log in dati. Kung ayaw mong awtomatikong ma-sign in sa mga page na ito, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Privacy at seguridad
Mga setting ng site
Mga karagdagang setting ng content.
- Piliin ang On-device na data ng site.
- I-on ang I-delete ang data na na-save ng mga site sa iyong device kapag isinara mo ang lahat ng window.
Puwede mong sabihin sa Chrome na magbukas sa anumang webpage.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Sa pagsisimula," piliin ang Magbukas ng partikular na page o hanay ng mga page.
- Magagawa mong:
- Piliin ang Magdagdag ng bagong page.
- Ilagay ang address sa web.
- Piliin ang Idagdag.
- Piliin ang Gamitin ang mga kasalukuyang page.
- Piliin ang Magdagdag ng bagong page.
Tip: Para i-update ang iyong mga page, sa kanan, piliin ang Higit pa
I-edit o I-delete.
Mga problema sa iyong startup o homepage
Kung gumagamit ka ng computer at nakakakita ka ng homepage o page sa pagsisimula na hindi ikaw ang nagtakda, posibleng may malware ang iyong computer. Alamin kung paano mag-alis ng mga hindi gustong ad, pop-up, at malware.
Mahalaga: Kung isa kang user ng Chromebook at ginagamit mo ito sa trabaho o paaralan, hindi mo puwedeng piliin o baguhin ang iyong page sa pagsisimula o homepage. Kinokontrol ng administrator ng network mo ang mga page na iyon. Para sa higit pang tulong, makipag-ugnayan sa iyong administrator.
Piliin ang iyong homepage
Puwede mong kontrolin kung anong page ang lalabas kapag pinili mo ang Home .
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Hitsura," i-on ang Ipakita ang button ng Home.
- Sa ilalim ng "Ipakita ang button ng Home," piliing gamitin ang page ng Bagong Tab o isang custom na page
Tip: Sa kaliwa ng iyong address bar, makikita mo ang Home .