Kumuha ng mga paglalarawan ng larawan sa Chrome

Kapag gumagamit ka ng screen reader sa Chrome, makakakuha ka ng mga paglalarawan ng mga walang label na larawan, halimbawa, mga larawang walang alt text.  

Ipinapadala ang mga larawan sa Google para magawa ang mga paglalarawan. Kung hindi mailarawan ng Google ang larawan, sasabihin ng screen reader ang “Walang available na paglalarawan.” 

Mahalaga: Available ang mga paglalarawan ng larawan sa Croatian, Czech, Dutch, English, Finnish, French, German, Hindi, Indonesian, Italian, Norwegian, Portuguese, Russian, Spanish, Swedish, at Turkish.

I-on o i-off ang Mga Paglalarawan ng Larawan

Puwede mong i-on ang mga paglalarawan ng larawan sa Mga Setting ng Chrome o sa page kung nasaan ka.

I-on ang mga paglalarawan ng larawan mula sa Google sa isang page

Pwede mong i-on ang mga paglalarawan ng larawan para sa lahat ng page o para lang sa isang partikular na page.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Ayusin.
  3. Sa menu, piliin ang Kumuha ng mga paglalarawan ng larawan.
    • Kung naka-on na ang mga paglalarawan ng larawan, sasabihin ng menu ang Ihinto ang mga paglalarawan ng larawan.
  4. Kapag na-on o na-off mo ang mga paglalarawan ng larawan, posibleng hilingin sa iyong sumang-ayon sa mga paglalarawan ng larawan mula sa Google. I-on o i-off ang mga paglalarawan ng larawan:
    • Para sa isang page: Piliin ang Isang beses lang at pagkatapos ay Kumuha ng mga paglalarawan.
    • Para sa lahat ng page: Piliin ang Palagi at pagkatapos ay Kumuha ng mga paglalarawan.

Kung mayroon kang mga paglalarawan ng larawang pinahintulutan lang para sa isang page, umalis o i-refresh ang page para i-off ito.

Para i-pause ang mga paglalarawan ng larawan kapag hindi ka nakakonekta sa Wi-Fi, i-on ang Kapag nakakonekta lang sa Wi-Fi.

Kung naka-sign in ka at nagsi-sync ka sa Chrome, magkakaroon ka ng mga paglalarawan ng larawan sa lahat ng naka-sign in at naka-sync na device.

I-on ang paglalarawan ng larawan sa mga setting ng Chrome

Puwede mo ring i-on o i-off ang mga paglalarawan ng larawan para sa lahat ng page sa mga setting ng Chrome. Pareho ang paggana ng mga paglalarawan ng larawan para sa lahat ng page kung na-on ang mga ito sa mga setting o sa isang page.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa tabi ng address bar, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Piliin ang Accessibility at pagkatapos ay Mga paglalarawan ng larawan.
  4. I-on o i-off ang Kumuha ng mga paglalarawan ng larawan.
Android Computer
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6674225008627506246
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false