Kapag nag-browse ka sa Dark mode o Madilim na tema sa Chrome, didilim ang iyong homepage, toolbar, mga setting, at ilan pang page.
Tip: Ang feature na ito ay tinatawag na "Dark mode" sa Desktop at iOS at "Madilim na tema" sa mga Android device.
Pamahalaan ang Dark mode sa Chrome
- Sa kanang bahagi sa ibaba ng page na Bagong Tab, piliin ang I-customize ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, puwede mo ring piliin ang Panel sa gilid I-customize ang Chrome.
- Sa ilalim ng “Hitsura,” piliin ang alinman sa:
- Maliwanag : Ilalagay ang Chrome sa maliwanag na tema.
- Madilim : Ilalagay ang Chrome sa madilim na tema.
- Device : Susundin ng Chrome ang tema ng iyong device.
Pamahalaan ang Dark mode sa iyong device
- I-on ang Dark mode sa iyong computer.
- Buksan ang Chrome.
Tip: Puwede ring magmukhang mas madilim ang iyong browser kung nasa Incognito mode ka. Matuto pa tungkol sa pag-browse nang pribado.