Kapag nag-browse ka sa Dark mode o Madilim na tema sa Chrome, didilim ang iyong homepage, toolbar, mga setting, at ilan pang page.
Tip: Ang feature na ito ay tinatawag na "Dark mode" sa Desktop at iOS at "Madilim na tema" sa mga Android device.
I-on ang Madilim na tema
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Mga Setting Tema.
- Piliin ang temang gusto mong gamitin:
- Default ng System kung gusto mong gamitin ang Chrome sa Madilim na tema kapag naka-on ang Battery Saver mode o nakatakda ang iyong mobile device sa Madilim na tema sa mga setting ng device.
- Madilim kung gusto mong gamitin ang Chrome sa Madilim na tema.
- Maliwanag kung gusto mong gamitin ang Chrome sa Maliwanag na tema.
Tip: Puwede ring magmukhang mas madilim ang iyong browser kung nasa Incognito mode ka. Matuto pa tungkol sa pag-browse nang pribado.