I-edit ang mga control ng Chrome sa Touch Bar ng Mac

Maaari mong i-customize ang mga shortcut na makikita sa Touch Bar ng iyong Mac kapag ginagamit mo ang Chrome.

Bilang default, makikita mo ang mga button para sa bumalik, susunod, i-refresh, home, maghanap, paborito, at bagong tab.

Magdagdag ng button o space

  1. Sa iyong Mac computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa itaas ng screen, i-click ang View at pagkatapos ay I-customize ang Touch Bar.
  3. Sa screen ng iyong laptop, i-click at i-hold nang matagal ang isang button.
  4. I-drag ang button sa ibaba ng gilid ng iyong screen. Makikita mo itong naka-highlight sa Touch Bar.
  5. I-click ang Tapos na.

Mag-alis ng button

Upang mag-alis ng button na hindi mo ginagamit, itapat ang iyong cursor sa ibaba ng gilid ng screen mo. Kapag na-highlight ang button, i-click at i-drag ito pataas sa screen.

Baguhin ang pagkakaayos ng mga button

  1. Sa iyong Mac computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa itaas ng screen, i-click ang View at pagkatapos ay I-customize ang Touch Bar.
  3. Pindutin nang matagal ang isang button.
  4. I-drag ang button kung saan mo ito gustong ilipat.
  5. I-click ang Tapos na.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14802997985223014742
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false