I-block o payagan ang mga pop-up sa Chrome

Bilang default, bina-block ng Google Chrome ang mga pop-up na awtomatikong lumalabas sa iyong screen. Kapag may na-block na pop-up, may lalabas sa address bar na Na-block ang pop-up Naka-block ang pop-up. Maaari mo ring payagan ang mga pop-up.

I-on o i-off ang mga pop-up

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Content at pagkatapos I-block ang Mga Pop-up.
  4. I-on o i-off ang I-block ang Mga Pop-up.

Payagan ang mga pop-up para sa isang partikular na site

Hindi lahat ng pop-up ay mga ad o spam. Ang ilang lehitimong website ay nagpapakita ng content sa web sa mga pop-up na window.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Pumunta sa page kung saan naka-block ang mga pop-up.
  3. Sa ibaba, sa ilalim ng "Mga naka-block na pop-up," i-tap ang Palaging ipakita.

Mag-ayos ng mga isyu sa mga pop up

Kung ikaw ay nasa page na may pop-up o dialog na hindi naaalis, subukan ang mga hakbang na ito:

  1. I-on ang airplane mode ng iyong telepono.
  2. Lumabas sa Google Chrome.
  3. Isara ang tab na may sirang pop-up o dialog box.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3006193624516324509
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false