Mas mapapabilis mo pa ang Chrome para sa iyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tip na ito.
Hakbang 1: I-update ang Chrome
Mas bibilis ang Chrome kapag ginamit mo ang pinakabagong bersyon nito. I-update ang Google Chrome.
Hakbang 2: Tiyaking naka-on ang pag-prefetch ng page
Puwede mong i-on ang mga paghula sa pagkilos ng network (pag-prefetch) para mas mabilis na makapagbukas ng mga webpage ang Google Chrome. Kapag naka-on, pini-preload ng Chrome ang mga link na posibleng buksan mo.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome app
.
- I-tap ang Higit pa
Mga Setting
.
- I-tap ang Bandwidth
I-preload ang Mga Webpage.
- Piliin kung kailan mo gustong mag-preload ng mga link ang Chrome.
- I-tap ang Tapos na.