Kung nawala o nanakaw ang iyong telepono, tablet, o laptop, sundin ang mga hakbang na ito para makatulong na ma-secure ang device mo.
Kung hindi mo mababawi ang naturang device, makakatulong ang agarang pagsasagawa ng ilang hakbang para protektahan ang iyong impormasyon.
Hakbang 1: I-secure ang iyong nawawalang telepono, tablet, o Chromebook
Puwede kang sumubok ng ilang malayuang pagkilos, gaya ng pagpa-ring, pag-lock o pag-sign out sa iyong device.
Nawalan ka ba ng isang Windows, Mac, o Linux computer?? Hindi nakalista ang mga computer sa ilalim ng "Hanapin ang iyong telepono." Magpatuloy sa pagpapalit ng password sa Google Account mo.
- Magbukas ng browser tulad ng Chrome . Kung hindi sa iyo ang device na ginagamit mo, mag-browse sa Incognito mode.
- Buksan ang iyong Google Account.
- Sa seksyong "Seuridad," hanapin ang "Iyong mga device." Piliin ang Pamahalaan ang mga device.
- Piliin ang nawawalang telepono, tablet, o Chromebook. Makikita mo ang huling oras na ginamit ang device, at ang huling lungsod kung nasaan ito.
- Sa tabi ng "Access sa Account," piliin ang Mag-sign out. Sundin ang mga tagubilin sa screen para alisin ang access sa iyong Google Account at mga nakakonektang app sa device mo.
- Kung mahahanap mo ang iyong device, puwede kang mag-sign in ulit sa Google Account mo.
Kung sinusubukan mong hanapin ang isang nawawalang telepono o table, puwede mo ring piliin ang Hanapin ang nawawalang device. Sundin ang mga direksyon sa screen para sa higit pang paraan para mahanap o ma-secure ang iyong device.
Kung hindi sa iyo ang device na ginagamit mo, kapag tapos ka na, mag-sign out sa pamamagitan ng pagsara sa private browsing mode.
Humingi pa ng tulong
- Para sa isang nawawalang iPhone, alamin ang mga paraan para mahanap at ma-secure ang iyong device gamit ang iCloud.
- Maaaring makatulong ang iyong mobile carrier sa ilang paraan, gaya ng:
- Pag-redirect ng iyong mga tawag sa ibang numero
- Pag-order ng bagong SIM card
- Pag-off ng iyong SIM card, para hindi makatawag o makapagpadala ng mga mensahe ang isang tao
Hindi nakalista ang iyong device
Tingnan kung naka-sign in ka sa tamang Google Account sa device na kasalukuyan mong ginagamit.
- Kailangan ay naka-sign in ang nawawala mong device sa iyong Google Account sa isang Google app, gaya ng Gmail o YouTube.
- Hindi nakalista ang mga Windows, Mac, at Linux computer at Chromebook sa ilalim ng "Hanapin ang iyong telepono."
Kung hindi pa rin nakalista ang device mo, magpatuloy sa pagpapalit sa password ng iyong Google Account.
Hakbang 2: Palitan ang password ng iyong Google Account
Ang password ng iyong Google Account ay kapareho ng password mo para sa Chrome at iba pang produkto ng Google, gaya ng Gmail at YouTube. Alamin kung paano gumawa ng malakas na password.
- Buksan ang iyong Google Account. Puwedeng kailanganin mong mag-sign in.
- Sa seksyong "Seguridad," piliin ang Pag-sign in sa Google.
- Piliin ang Password. Puwedeng kailanganin mong muling mag-sign in.
- Ilagay ang iyong bagong password, pagkatapos ay piliin ang Palitan ang Password.
- Palitan ang password
Hakbang 3: Palitan ang mga naka-save mong password
Kung nawala ng ibang tao ang iyong device, pag-isipang palitan ang mga password na naka-save sa device o Google Account mo.
- Buksan ang passwords.google.com.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Tingnan ang listahan ng "Mga Naka-save na password."
- Ang mga password lang na naka-save sa iyong Account, at hindi sa nawawala mong device, ang makikita sa listahang ito.
- Para sa bawat password na gusto mong palitan, buksan ang app o pumunta sa site.
- Palitan ang iyong password.
Tip: Tingnan kung may gagamit sa iyong mga account para sa panloloko. Subaybayan ang iyong mga credit card statement, at iulat ang anumang mapanlokong pagbili sa kumpanya ng credit card mo.