Gamitin ang Chrome nang may mga extension para sa accessibility

Mas mapapadali mo ang paggamit sa Chrome sa pamamagitan ng pag-install ng mga extension para sa accessibility.

Humanap at magdagdag ng mga extension para sa accessibility

Para humanap ng mga extension para sa accessibility para sa Chrome, bisitahin ang Chrome Web Store at hanapin ang "accessibility."

Kapag nakakita ka ng extension na gusto mo, idagdag ito sa Chrome:

  1. Sa Chrome Web Store, i-click ang extension na gusto mong i-install.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Idagdag sa Chrome.
  3. Kapag na-prompt, kumpirmahin sa pamamagitan ng pagki-click sa Idagdag ang extension. May lalabas na icon para sa extension sa kanan ng iyong address bar.

Kung gumagamit ka ng screen reader at gusto mong makakuha ng mga paglalarawan ng mga walang label na larawan, matuto pa tungkol sa kung paano makakakuha ng mga paglalarawan ng larawan sa Chrome.

Gamitin ang mga extension para sa accessibility ng Google

Caret Browsing (mag-navigate gamit ang iyong keyboard)

Gamitin ang extension na Caret Browsing para mag-navigate sa isang webpage gamit ang iyong keyboard sa halip na gumamit ng touchpad o mouse. Magagawa mo ring pumili at lumipat ng text, at i-click ang mga link at iba pang kontrol sa page.

Para i-on ang extension, sa kanan ng address bar, i-click ang Caret Browsing Caret Browsing.

  • Puwede mo ring i-on ang caret browsing gamit ang keyboard shortcut na F7. Sa Chromebook, ang keyboard shortcut ay Ctrl + Search + 7, o Ctrl + Launcher + 7.
Kung Chromebook ang gamit mo, puwede mo ring pindutin ang Search + Brightness up sa iyong keyboard para i-on o i-off ang extension.

Para gamitin ang extension:

  • Upang magpalipat-lipat sa mga salita, pindutin ang Ctrl + arrow key.
  • Upang magpalipat-lipat sa mga nafo-focus na control, pindutin ang Tab.
  • Upang pumili ng text, pindutin ang Shift + arrow key.
  • Kapag kailangang gumamit ng mga arrow key para sa isang nafo-focus na kontrol (gaya ng isang listahan), umalis dito sa pamamagitan ng pagpindot sa Esc at isa sa mga arrow key.

Color Enhancer (isaayos ang mga kulay sa webpage)

Gamit ang extension na Color Enhancer, maisasaayos mo ang kulay sa mga webpage, gaya ng pag-aalis ng mga partikular na kulay na nahihirapan kang tingnan.

Para gamitin ang extension:

  1. Para i-on ang extension, sa kanan ng address bar, i-click ang Color Enhancer Color Enhancer.
  2. I-click ang Setup.
  3. Piliin ang row ng mga kumbinasyon ng kulay na pinakanakakalito sa lahat.
  4. Igalaw ang slider upang isaayos ang antas ng pagwawasto ng kulay. Pumili ng setting kung saan ka nakakakita ng pinakamaraming star at pinakakaunting distortion ng kulay.
  5. Kapag tapos ka na, i-click ang OK.
High Contrast (magsaayos o mag-alis ng mga kulay)

Mahalaga: Kung nasa pinakabagong bersyon ng Chrome ka sa isang Windows computer, awtomatikong nag-a-adjust ang mga setting ng kulay ng Chrome sa mga setting sa iyong computer.

Gamit ang extension na High Contrast, mas mapapadali mo ang pagbabasa ng text at pagkakita sa mga detalye ng larawan. Mayroon itong mga filter upang isaayos ang contrast ng kulay, gawing itim at puti lang ang kulay o alisin ang lahat ng kulay. Puwede mo ring i-customize ang iyong mga setting ayon sa website.

Tandaan: Hindi maisasaayos ang kulay sa ilang built-in na webpage sa Chrome, gaya ng Chrome Web Store, page ng Bagong Tab at page ng mga setting ng Chrome.

Para gamitin ang extension:

  • Para i-on ang extension, sa kanan ng address bar, i-click ang High Contrast High Contrast.
  • Para isaayos ang mga larawan at text na nasa page, i-click ang High Contrast High Contrast. Sa ilalim ng "Scheme ng kulay para sa [site]," piliin ang gusto mong scheme ng kulay.
  • Para i-off ang extension, i-click ang High Contrast High Contrast at pagkatapos ay I-disable.

Puwede ka ring mag-browse sa Madilim na tema o Dark mode.

Long Descriptions sa Menu ng Konteksto (tingnan ang mahahabang paglalarawan)

Gamit ang extension na Long Descriptions sa Menu ng Konteksto, magagawa mong magdagdag ng item sa menu ng konteksto, pagkatapos ay mag-right click sa anumang element sa page at buksan ang mahabang paglalarawan nito. Ginagamit ng extension ang mga attribute na "longdesc" at "aria-describedat" sa HTML, na ginagamit sa ilang pantulong na teknolohiya.

Para gamitin ang extension:

  • Mag-right click sa anumang element sa page, at buksan ang mahabang paglalarawan nito.
  • Upang matulungan kang matukoy ang mga larawan na may mahabang paglalarawan, magdagdag ng kulay na border:
    1. Sa kanan ng address bar, i-click ang Long Descriptions Long Descriptions.
    2. I-click ang Mga Opsyon.
    3. Sa tabi ng "Magdagdag ng border sa mga element na may mga attribute na aria-describedat o longdesc," lagyan ng check ang kahon. Awtomatikong mase-save ang iyong pagbabago.
    4. Isara ang tab na "Mga Opsyon."
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6016744945457115423
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false