Bina-block ng Google Chrome ang ilang pag-download

Awtomatikong bina-block ng Chrome ang mga mapanganib na pag-download at pinoprotektahan ang iyong device at mga account mula sa malware o mga virus. Makakatulong sa iyo ang mga babala sa pag-download sa Chrome na:

  • Maiwasan ang mga hindi gustong pagbabago sa mga setting ng iyong browser, computer, o device.
  • Mapigilan ang mga hindi inaprubahang pagkilos na posibleng makakompromiso sa iyong mga pinansyal na account at pagkakakilanlan mo online, gaya ng iyong Google Account o mga account sa social media.
  • Maiwasan ang mga virus.
  • Maprotektahan ang iyong pribadong data mula sa mga pag-leak.

Kapag nagba-block ang Chrome ng pag-download, protektado ka at hindi mo na kailangang magsagawa ng karagdagang pagkilos. Puwede kang mag-alis ng babala mula sa iyong history ng pag-download sa pamamagitan ng pagpili sa “I-delete sa history.” Kung wala kang gagawing pagkilos, aalisin ito ng Chrome sa history mo sa loob ng isang oras.

Puwede mong piliin anumang oras na mag-download ng file pagkatapos mong makatanggap ng babala mula sa Chrome, pero seryosohin ang mga babala sa pag-download. Posibleng hilingin sa iyo ng mga attacker na i-off o balewalain ang mga babala para maiwasan ang mga pag-detect ng antivirus. Alamin kung paano pinapanatiling pribado ng Chrome at Ligtas na Pag-browse ang iyong data mula sa pagba-browse.

Bakit na-block ang pag-download

Posibleng na-block ang pag-download ng iyong file dahil sa isa sa ilang dahilan:

Mapanganib:

  • Malware (nakakapinsalang software)
  • Mapanlinlang na software na posibleng magsagawa ng mga hindi gustong pagbabago sa iyong device o computer.

Kahina-hinala:

  • Hindi pangkaraniwan o hindi pamilyar na file
  • File na posibleng sumubok na umiwas sa pag-detect, gaya ng sa pamamagitan ng pag-hide ng malware o mga virus sa loob ng mga naka-archive na file tulad ng .zip o .rar. Posible ring magdagdag ng password para maiwasan ang pag-detect.

Hindi na-verify: Mga file na na-download habang naka-off ang Ligtas na Pag-browse. Alamin kung paano i-on ulit ang Ligtas na Pag-browse.

Hindi secure:

Tingnan kung may malware ang mga file gamit ang Pinaigting na proteksyon

Mahalaga: Dapat naka-on ang Pinaigting na proteksyon sa Ligtas na Pag-browse.

Kung natukoy bilang kahina-hinala ang isang file na gusto mong i-download, puwede mo itong ipadala sa Ligtas na Pag-browse sa Google para sa mga karagdagang pagsusuri sa seguridad. Kapag sina-scan mo ang isang file para sa malware, matutulungan ka nitong suriin kung mapanganib ito.

  • Kung isang archive ang file, gaya ng .zip, .7z, o .rar file, at protektado ito ng password, puwede mong ipadala ang file at password sa Ligtas na Pag-browse para mabuksan ang file at makumpleto ang pag-scan.
  • Dine-delete ang mga na-upload na file –at mga password ng file, kung naaangkop– mula sa Ligtas na Pag-browse ilang sandali matapos ma-scan ang mga ito.
  • Ginagamit lang ng Ligtas na Pag-browse ang lahat ng nakolektang data para mabigyan ka ng mas maigting na proteksyon sa pag-download.
Suriin ang mga naka-encrypt na file gamit ang Karaniwang proteksyon

Sa Karaniwang proteksyon sa Ligtas na Pag-browse, puwede mong tingnan kung may malware ang ilang file na pinoprotektahan ng password tulad ng .zip, .7z, o .rar. Para gawin ito, posibleng kailangan mong ilagay ang password ng file sa Chrome. Parehong mananatili ang file at ang password sa lokal na device at hindi ipapadala ang mga ito sa Google.

Kapag sinubukan mong mag-download ng file na pinoprotektahan ng password na posibleng mapanganib, posible kang makatanggap ng notification na “Posibleng mapanganib ang file na ito.” Para suriin ang file:

  1. Ilagay ang password.
    • Ito ang password para sa file, hindi para sa iyong Google Account.
  2. Piliin ang Tingnan kung may malware.
  3. Pagkalipas ng ilang segundo, may matatanggap na notification:
    • Na-block ang mapanganib na pag-download: Na-detect ng pagsusuri ang malware at na-block nito ang pag-download.
    • Posibleng mapanganib ang file na ito: Kung mas tumagal ang pag-scan, posible kang makatanggap ng notification na “Posibleng mapanganib ang file.” Magagawa mong:
      • Kanselahin ang pag-download: Inirerekomenda
      • I-download ang kahina-hinalang file: Hindi inirerekomenda
    • Tapos na ang pag-scan: Walang nakitang malware. Puwede mong i-download ang file.
Tip: Sa iyong “Kamakailang history ng pag-download,” puwede mong tingnan ang iyong mga kamakailang pag-scan at ang mga resulta ng mga ito.
Higit pang impormasyon para sa mga developer ng software at may-ari ng website

Para tulungang protektahan ang mga user, nagpapanatili ang Google ng listahan ng mga website na kilalang nagho-host ng mga nakakapinsalang download at isang listahan ng mga pinagkakatiwalaang publisher ng software. Kung isa kang publisher ng software at na-flag ng Chrome ang iyong mga binary, alamin kung paano lutasin ang mga isyu sa malware o hindi gustong software na may kaugnayan sa iyong mga download.

Puwede ring i-block ng Chrome ang mga hindi secure na download mula sa mga secure na site. Kung hindi ka makapag-download ng mga file mula sa iyong site, alamin kung paano iwasan ang halo-halong content at mga download sa site mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
2011367552490685054
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false