Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Gamitin o ayusin ang Flash na audio at video

Ang plugin na Adobe Flash ay nagbibigay-daan sa iyong makapakinig at makakita ng Flash na content na audio at video sa Chrome sa computer mo.

Tandaan: Hindi na susuportahan ng Adobe ang Flash sa pagtatapos ng 2020. Matuto pa sa blog ng Chrome.

Hayaan ang mga site na mag-play ng mga Flash na video, animation, at laro

  1. Kapag bumisita ka sa isang pinagkakatiwalaan mong page na may Flash na content, i-click ang I-click upang i-enable ang Adobe Flash Player.
  2. Kumpirmahin sa pamamagitan ng pag-click sa Payagan.

Payagan lang ang Flash na tumakbo sa mga website na pinagkakatiwalaan mo. Regular na nakakakita ng mga kahinaan sa seguridad sa Adobe Flash Player.

Baguhin ang iyong default na setting ng Flash

Palaging magtanong kung papatakbuhin ang Flash (inirerekomenda)

Piliin ang "Palaging magtanong kung papatakbuhin ang Flash" upang hindi ito makatakbo nang wala ang iyong pahintulot. Payagan lang ang Flash na tumakbo sa mga website na pinagkakatiwalaan mo.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, i-click ang Advanced.
  4. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Mga setting ng content.
  5. I-click ang Flash.
  6. I-on ang Payagan ang mga site na patakbuhin ang Flash.
  7. I-on ang Magtanong muna.

Palaging payagan ang Flash sa mga pinagkakatiwalaang site

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa isang pinagkakatiwalaan mong page na may Flash na content.
  3. Sa kaliwa ng web address, i-click ang Lock I-lock o Impormasyon Impormasyon.
  4. Sa kanan ng "Flash," i-click ang Mga Arrow Mga Arrow.
  5. Piliin ang Palaging payagan sa site na ito.
  6. I-reload ang page.

Palaging i-block ang Flash

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, i-click ang Advanced.
  4. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Mga setting ng content.
  5. I-click ang Flash.
  6. I-off ang Payagan ang mga site na patakbuhin ang Flash.

Ayusin ang mga problema sa Flash

Kung hindi gumagana ang Flash o kung makikita mo ang mga sumusunod na mensahe ng error, subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  • Na-block ang Adobe Flash dahil hindi ito napapanahon
  • Hindi ma-load ang plugin
  • Na-block ang mga sumusunod na plugin sa page na ito 

Hakbang 1: I-on ang Flash

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ibaba, i-click ang Advanced.
  4. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," i-click ang Mga setting ng content.
  5. I-click ang Flash.
  6. I-on ang Payagan ang mga site na patakbuhin ang Flash.
  7. I-on ang Magtanong muna.
  8. Bumalik sa page na may Flash na content. Kung hindi ito awtomatikong maglo-load, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang I-reload I-reload.

Hakbang 2: I-update ang Flash

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas, ilagay ang chrome://components at pindutin ang Enter.
  3. Hanapin ang "Adobe Flash Player."
  4. I-click ang Tingnan kung may update.
  5. Kung makikita mo ang "Hindi na-update ang bahagi" o "Na-update ang bahagi," ginagamit mo ang pinakabagong bersyon.
  6. Bumalik sa page na may Flash na content. Kung hindi ito awtomatikong maglo-load, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang I-reload I-reload.

Hakbang 3: I-update ang Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa.
  3. I-click ang I-update ang Google Chrome. Kung hindi mo nakikita ang button na ito, nasa pinakabagong bersyon ka.
  4. I-click ang Muling Ilunsad.
Nagkakaproblema ka ba sa pag-a-update sa Chrome? Alamin kung paano ayusin ang mga problema sa pag-update ng Chrome.

Hakbang 4: Muling i-install ang Flash

Tiyaking ii-install mo lang ang Flash mula sa website ng Adobe.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa adobe.com/go/chrome.
  3. Sa ilalim ng "Hakbang 1," piliin ang operating system ng iyong computer.
  4. Sa ilalim ng "Hakbang 2," piliin ang opsyon kung saan nakalista ang "PPAPI."
  5. I-click ang I-download ngayon, at sundin ang mga hakbang upang i-install ang Flash.

Ayusin ang iba pang error sa Flash 

"Nag-crash ang sumusunod na plugin" o nakikita mo ang icon ng Plugin Plugin

  1. Kung hindi awtomatikong magre-restart ang Flash, sapilitan itong isara:
    1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa.
    2. I-click ang Higit Pang Tool pagkatapos ay Task Manager.
    3. Piliin ang "Plugin: Shockwave Flash."
    4. I-click ang Tapusin ang proseso.
  2. Isara ang window ng Task Manager, at bumalik sa page na may Flash na content.
  3. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang I-reload I-reload.

Wala kang makitang setting ng Flash

Kung gumagamit ka ng device sa trabaho o paaralan, maaaring hindi ka payagan ng iyong organisasyong baguhin ang mga setting ng Flash.

Kung isa kang administrator para sa isang trabaho, paaralan, o iba pang grupo, matuto pa tungkol sa pamamahala sa default na mga setting ng Flash para sa iyong organisasyon.