Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

We've gotten reports about some users being signed out of their accounts unexpectedly. We're investigating, but not to worry: there is no indication that this is connected to any phishing or account security threats. Please try to sign-in again at accounts.google.com and if you cannot remember your password, please use this link to recover your password. If you use 2-Step Verification, there may have been a delay in receiving your SMS code. Please try again or use backup codes.

Hindi gumagana ang Adobe Flash

Kung hindi gumagana ang Adobe Flash o nakikita mo ang mga sumusunod na mensahe ng error, subukan ang mga hakbang sa pag-troubleshoot sa ibaba.

  • Na-block ang Adobe Flash dahil hindi na ito napapanahon
  • Hindi ma-load ang plugin
  • Na-block ang mga sumusunod na plugin sa page na ito

Kung gumagamit ka ng mobile device, hindi gagana ang Flash sa Chrome.

Hakbang 1: I-on ang Adobe Flash Player

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas, ilagay ang chrome://plugins at pindutin ang Enter.
  3. Sa ilalim ng "Adobe Flash Player," i-click ang I-enable.

Hakbang 2: I-update ang Adobe Flash Player

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas, ilagay ang chrome://components at pindutin ang Enter.
  3. Sa ilalim ng "Adobe Flash Player," i-click ang Tingnan kung may update.
  4. Bumalik sa page na may content na Flash. Kung hindi ito awtomatikong naglo-load, sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang I-reload I-reload.

Hakbang 3: Tiyaking napapanahon ang Chrome

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa.
  3. I-click ang I-update ang Google Chrome. Kung hindi mo nakikita ang button na ito, nasa pinakabagong bersyon ka.
  4. I-click ang Muling Ilunsad.

Nagkakaproblema ka ba sa pag-a-update sa Chrome? Alamin kung paano ayusin ang mga problema sa pag-update ng Chrome.

Hakbang 4: I-install ang Flash Player mula sa website ng Adobe

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa http://www.adobe.com/go/chrome.
  3. Sa ilalim ng "Hakbang 1," piliin ang operating system ng iyong computer.
  4. Sa ilalim ng "Hakbang 2," piliin ang opsyon kung saan nakalista ang "PPAPI."
  5. I-click ang I-download ngayon, at sundin ang mga hakbang upang i-install ang Adobe Flash Player.

Impormasyon para sa mga administrator

Regular na nakakahanap ng mga kritikal na kahinaan sa Adobe Flash Player, at kaagad na ginagamit ang mga ito sa mga exploit kit. Matuto pa tungkol sa security ng Adobe.

I-update ang Chrome sa pinakabagong bersyon sa iyong organisasyon, at mag-set up ng suporta para sa Flash. Inirerekomenda naming payagan mo ang Chrome na awtomatikong mag-update sa hinaharap.

Kung na-off mo ang mga update, maaaring i-block ang content kung hindi ligtas ang bersyon ng Flash. Kung mangyayari iyon, mapa-prompt ang mga tao na i-update ang Chrome. Maaari mong pigilan ang pag-prompt sa pamamagitan ng paggamit sa patakaran na AllowOutdatedPlugins, ngunit sa halip na gawin ito, inirerekomenda naming mag-update sa pinakabagong bersyon ng Chrome.