Hindi gumagana sa Chrome ang content na nakabatay sa plugin

Hindi na sumusuporta sa maraming plugin ang Chrome. Isinama na ng mga tagagawa ng website ang karamihan ng mga feature na ito sa mas ligtas na paraan.

Bakit hindi na gumagana ngayon ang mga NPAPI plugin

Dati, maraming ginawang plugin gamit ang isang lumang system na tinatawag na NPAPI. Ngayon, mas kaunting site na ang gumagamit ng mga NPAPI plugin at madalas na nagdulot ang mga ito ng mga panganib sa seguridad sa mga website.

Upang gawing mas ligtas, mas mabilis at mas matatag ang pagba-browse gamit ang Chrome, inihinto na namin ang pagbibigay-daan sa mga NPAPI plugin noong Setyembre 1, 2015.

Hindi gagana ang mga plugin na gumagamit ng NPAPI, kasama na ang Silverlight, Java at Unity.

Mga website sa pag-access na gumagamit ng NPAPI

Hindi mae-enable ang mga NPAPI plugin, kaya kung gusto mong gumamit ng website na gumagamit ng NPAPI plugin, kakailanganin mong gumamit ng ibang web browser. 

Gagana pa rin ang mga PPAPI plugin

Patuloy na gagana ang mga plugin na gumagamit ng mas bago at mas secure na system na tinatawag na Pepper API (PPAPI). Kabilang doon ang mga plugin na kasama na sa Chrome, tulad ng Adobe Flash. Hindi na kailangang mag-install ng karagdagan dahil mag-a-update ng mga PPAPI plugin kapag nag-update ang Chrome.

Alamin kung paano i-update ang Chrome.

Ayusin ang mga problema sa Flash

Kung hindi gumagana ang Flash, subukan ang mga soluyong ito upang ayusin ang problema:

Hakbang 1: I-on ang mga PPAPI plugin.

  1. Buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas, i-type ang chrome://plugins at pindutin ang Enter.
  3. I-click ang Mga Detalye.
  4. Mag-scroll pababa sa "Adobe Flash Player."
  5. Sa ilalim ng "Uri: PPAPI," i-click ang I-enable.

Hakbang 2: Tiyaking napapanahon ang Chrome. Awtomatiko mong nakukuha ang Adobe Flash player sa Chrome at naa-update ito kapag nag-update ang Chrome.

Nagkakaroon ka ba ng problema sa pag-a-update ng Chrome? Alamin kung paano ayusin ang mga problema sa pag-update ng Chrome.

Hakbang 3: I-update ang Adobe Flash Player nang manu-mano.

  1. Buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar sa itaas, i-type ang chrome://components at pindutin ang Enter.
  3. Sa ilalim ng "pepper_flash," i-click ang Tumingin ng update.

Hindi gagana ang mga plugin na gumagamit ng NPAPI, kasama na ang Silverlight, Java at Unity.