Puwede kang mag-sign in sa mga app at site sa iba't ibang device gamit ang mga password na naka-save sa iyong Google Account kapag:
- Na-on mo ang pag-sync sa Chrome sa Android
- Nag-sign in ka sa Chrome sa iyong computer
Mag-save ng mga password sa iyong Google Account
Kung naka-on ang Mag-alok na mag-save ng mga password, ipo-prompt kang i-save ang iyong password kapag nag-sign in ka sa mga site at app sa Android o Chrome.
Para i-save ang iyong password para sa site o app, piliin ang I-save. Kung mayroon kang higit sa isang Google Account na naka-sign in sa iyong device, puwede mong piliin ang account kung saan mo gustong i-save ang password.
Puwede mong pamahalaan ang iyong mga naka-save na password anumang oras sa passwords.google.com o sa Chrome.
Pamahalaan ang mga alok na mag-save ng mga password
Puwede mong pahintulutan ang Chrome na tandaan ang mga password para sa mga site at awtomatiko kang i-sign in gamit ang mga password na naka-save sa iyong Google Account.
Naka-on bilang default ang "Mag-alok na mag-save ng mga password," at puwede mo itong i-off o i-on ulit.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting ng device mo.
- I-tap ang Google Pamahalaan ang iyong Google Account.
- Sa menu, i-tap ang Seguridad.
- Mag-scroll pababa sa "Pag-sign in sa iba pang site."
- I-tap ang Password Manager Mga Setting .
- I-on o i-off ang Mag-alok na mag-save ng mga password.
Pamahalaan ang mga alok na mag-save ng mga password para sa mga partikular na app
Puwede mong piliing huwag kailanman mag-save ng mga password para sa mga partikular na app na naka-install sa iyong device. Kapag na-prompt kang mag-save ng password, piliin ang Huwag Kailanman. Hindi ka na makakakita ulit ng alok na i-save ang password na iyon.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting ng device mo.
- I-tap ang Google Pamahalaan ang iyong Google Account.
- Sa menu, i-tap ang Seguridad.
- Mag-scroll pababa sa "Pag-sign in sa iba pang site."
- I-tap ang Password Manager Mga Setting .
- Mag-scroll pababa sa "Mga tinanggihang site at app."
- Mula rito, magagawa mong:
- Mag-block ng mga alok na mag-save ng password para sa isang partikular na app: I-tap ang Magdagdag pa at piliin ang app na gusto mong i-block.
- Mag-unblock ng mga alok na mag-save ng password para sa isang partikular na app: Sa tabi ng app na gusto mong i-unblock, i-tap ang Alisin .
Pamahalaan ang awtomatikong pag-sign in
Puwede kang awtomatikong mag-sign in sa mga site at app gamit ang impormasyong na-save mo. Puwede mo ring i-off ang awtomatikong pag-sign in kung gusto mong magbigay ng kumpirmasyon bago mag-sign in.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting ng device mo.
- I-tap ang Google Pamahalaan ang iyong Google Account.
- Sa menu, i-tap ang Seguridad.
- Mag-scroll pababa sa "Pag-sign in sa iba pang site."
- I-tap ang Password Manager Mga Setting .
- I-on o i-off ang Awtomatikong pag-sign in.