Ayusin ang mga video at laro na hindi nagpe-play

Kung hindi gumagana ang isang video sa YouTube, laro sa Facebook, o iba pang media, subukan ang mga hakbang sa ibaba para ayusin ito.

Makakatulong ang mga hakbang na ito para sa:

  • Isang video o laro na hindi ma-load
  • Isang video o laro na blangko
  • Isang gray na kahong lumalabas sa halip na isang video o laro
  • Nagfi-freeze o nagka-crash ang Chrome habang naglo-load ng video o laro

Hakbang 1: I-update ang Chrome

Kung minsan, kailangan ng mga video at laro ang pinakabagong bersyon ng Chrome.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Play Store app Play Store.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu Menu at pagkatapos ay Aking mga app at laro.
  3. Sa ilalim ng "Mga Update," hanapin ang Chrome Chrome.
  4. Kung nakalista ang Chrome, i-tap ang I-update.
  5. Kapag tapos nang mag-update, bumalik sa site kung nasaan ang video o laro. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-reload I-reload.

Hakbang 2: I-on ang JavaScript

Kailangan ng ilang media ng JavaScript.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Setting ng Site.
  4. I-tap ang JavaScript, pagkatapos ay i-on ang setting.
  5. Bumalik sa site kung nasaan ang video o laro. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-reload I-reload.

Hakbang 3: I-reset ang iyong koneksyon sa Internet

Maaaring nagdudulot ng mga problema sa video o laro ang iyong Internet network.

  1. I-off ang iyong Android phone o tablet.
  2. Alisin sa pagkakasaksak ang iyong modem. Kung hiwalay na device ang iyong wireless router, alisin din ito sa pagkakasaksak.
  3. Maghintay sa loob ng humigit-kumulang isang minuto.
  4. Isaksak ang iyong modem at maghintay hanggang sa huminto sa pagpatay-sindi ang lahat ng ilaw. Kung hiwalay na device ang iyong wireless router, isaksak itong muli at maghintay hanggang sa huminto sa pagpatay-sindi ang lahat ng ilaw.
  5. I-on ang iyong Android phone o tablet.
  6. Bumalik sa site kung nasaan ang video o laro. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-reload I-reload.

Hakbang 4: Tingnan ang iyong cache at cookies

Ang ilang isyu sa video o laro ay dahil sa isang bagay na naka-save sa iyong data ng browser.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Bagong tab na Incognito.
  3. Sa tab na Incognito, pumunta sa site kung nasaan ang video o laro.

Kung hindi gagana ang video o laro, i-clear ang iyong data mula sa pag-browse. Kapag na-clear ang iyong data mula sa pag-browse, mabubura ang ilan sa mga setting mo para sa mga website. Matuto pa tungkol sa pag-clear sa iyong data mula sa pag-browse.

  1. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  2. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay I-clear ang data mula sa pagba-browse.
  3. Pumili ng hanay ng oras, tulad ng Nakaraang oras o Lahat ng oras.
  4. Piliin ang Cookies at data ng site at Mga naka-cache na larawan at file. Alisin sa pagkakapili ang anumang iba pang uri ng impormasyong ayaw mong alisin.
  5. I-tap ang I-clear ang data.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7442327842531341943
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false