Sa Google, talagang pinapahalagahan namin ang online na seguridad. Para maprotektahan ang iyong Google Account, lubos naming inirerekomendang regular mong sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Mahalaga: Puwedeng gumamit ang Google ng pula, dilaw, o asul na icon ng tandang padamdam para magrekomenda ng agarang pagkilos para sa iyong Google Account. Para matuto pa, pumunta sa Mga inirerekomendang pagkilos.
Mga inirerekomendang pagkilos
Ang tandang padamdam sa tabi ng "Mga inirerekomendang pagkilos" ay nangangahulugang inirerekomenda ng Google na may gawin kang mga hakbang para i-secure ang iyong account. Ang level ng severity ay batay sa kulay ng mga ito:
- Asul: Para sa mga tip sa seguridad.
- Dilaw: Para sa mahahalagang hakbang.
- Pula: Para sa mga agarang notification.
Ang isang berdeng shield na may check mark ay nangangahulugang ligtas ang iyong account at walang kailangang gawing agarang pagkilos.
Para tumingin ng mga notification:
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang iyong larawan sa profile.
- I-click ang Mga inirerekomendang pagkilos.
- Dadalhin ka nito sa Security Checkup, kung saan makakakuha ka ng mga personal na rekomendasyon para pahusayin ang seguridad ng iyong account.
Kung hindi lalabas ang "Mga inirerekomendang pagkilos," nangangahulugan itong walang anumang rekomendasyon sa seguridad ang Google para sa iyo. Gayunpaman, puwede mong suriin ang level ng iyong seguridad sa Google Account mo:
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- I-click ang Pamahalaan ang Iyong Account
Seguridad.
- Sa itaas, kung nalutas ang lahat ng rekomendasyon, magpapakita ang page na ito ng berdeng shield.
- Kung nagpapakita ito ng berdeng shield, secure ang iyong account. Puwede rin itong magbigay sa iyo ng mga tip sa seguridad para gawing mas secure ang account mo.
Tip: Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng nanganganib na makaranas ng mga online attack, matuto tungkol sa Programang Advanced na Proteksyon.
Hakbang 1: Magsagawa ng Security Checkup
Pumunta sa Security Checkup para makatanggap ng mga naka-personalize na rekomendasyon sa seguridad para sa iyong Google Account, kabilang ang:
Magdagdag o mag-update ng mga opsyon sa pag-recover ng accountAng iyong numero ng telepono sa pag-recover at email address ay mahuhusay na tool sa seguridad. Magagamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayang ito para makatulong na:
- I-block ang isang tao na gamitin ang iyong account nang walang pahintulot mo.
- Alertuhin ka kung may kahina-hinalang aktibidad sa iyong account.
- I-recover ang iyong account kung hindi ka makapag-sign in.
Alamin kung paano idagdag o baguhin ang iyong mga opsyon sa pag-recover.
Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na pigilan ang hacker na makapasok sa iyong account, kahit manakaw niya pa ang password mo. Para maiwasan ang mga karaniwang diskarte sa phishing na nauugnay sa mga code sa text message, pumili ng mas maigting na pangalawang hakbang sa pag-verify:
- Mga security key (Pinaka-secure na hakbang sa pag-verify)
- Mga Prompt ng Google (Mas secure kaysa sa mga code sa text message)
Mas maigting na seguridad: Advanced na Proteksyon
Kung isa kang mamamahayag, aktibista, o taong posibleng maging target ng mga online attack, para sa mas mataas na level ng seguridad, pag-isipang mag-enroll sa Programang Advanced na Proteksyon. Gumagamit ang Advanced na Proteksyon ng mga security key para protektahan ka laban sa phishing at kabilang dito ang iba pang proteksyon tulad ng pag-block ng mga hindi secure na app.
Para mas maprotektahan ang sensitibong impormasyon, suriin kung aling mga app ang puwedeng gumamit ng impormasyon ng account mo at mag-alis ng mga hindi mo kailangan.
Nakakatulong ang mga screen lock na protektahan ang iyong mga device mula sa hindi pinapahintulutang paggamit. Alamin kung paano magtakda ng screen lock sa iyong Android device.
Tip: Para sa impormasyon tungkol sa pagdaragdag ng screen lock sa iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.
Hakbang 2: I-update ang iyong software
Kung luma na ang iyong browser, operating system, o mga app, posibleng hindi ligtas ang software mula sa mga hacker. Para makatulong na protektahan ang iyong account, panatilihing updated ang iyong software.
I-update ang iyong browserTiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng iyong browser.
Alamin kung paano i-update ang Google Chrome.
Tip: Para malaman kung paano mag-update ng iba pang browser, pumunta sa site ng suporta ng developer.
Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng iyong operating system.
- I-update ang mga Android device: Alamin kung paano tingnan at i-update ang bersyon ng Android mo.
- I-update ang Mga Chromebook: Alamin kung paano i-update ang operating system ng Chromebook mo.
Tip: Para malaman kung paano i-update ang iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.
Tiyaking ginagamit mo ang pinakabagong bersyon ng iyong mga app.
- I-update ang mga Android app: Alamin kung paano i-update ang iyong mga Android app sa mga Android device at compatible na Chromebook.
- Para makatulong na matiyak na up to date ang iyong mga app, i-on ang mga awtomatikong pag-update sa app para sa mga Android device mo.
- I-on ang Google Play Protect: Nakakatulong ang Google Play Protect na panatilihing ligtas ang mga Android device mula sa mga mapanganib na app.
- Alamin kung paano i-on ang Google Play Protect.
Tip: Para malaman kung paano mag-update ng mga app sa iba pang device at computer, pumunta sa site ng suporta ng manufacturer.
Hakbang 3: Gumamit ng mga natatangi at malalakas na password
Hindi ligtas na gamitin ang parehong password sa maraming site. Kung maha-hack ang iyong password para sa isang site, magagamit ito para ma-access ang mga account mo sa maraming site.
Tiyaking gumawa ka ng malakas at natatanging password para sa bawat account.
Pamahalaan ang iyong mga passwordMatutulungan ka ng password manager na gumawa at mamahala ng malalakas at natatanging password. Pag-isipang gumamit ng password manager na mula sa Chrome o iba pang pinagkakatiwalaang password manager provider.
Tip: Para tingnan kung mahina, posibleng na-expose, o ginagamit ulit sa maraming account ang anumang password na naka-save sa iyong Google Account, gamitin ang Password Checkup.
Para maabisuhan kung inilagay mo ang iyong password sa Google Account sa isang site na hindi Google, i-on ang Alerto sa Password para sa Chrome. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung may site na nagpapanggap na Google, at mababago mo ang iyong password kung manakaw ito.
Tip: Para sa karagdagang layer ng seguridad ng account, i-on ang 2-Step na Pag-verify.
Hakbang 4: Mag-alis ng mga app at extension ng browser na hindi mo kailangan
Habang nag-i-install ka ng higit pang app sa iyong device, posibleng maging mas madaling mabiktima ng mga hacker ang device mo. Sa mga device na may access sa sensitibong impormasyon, i-install lang ang mga app at extension ng browser na kailangan mo. Para mas maprotektahan ang iyong personal na impormasyon, huwag mag-install ng mga hindi alam na app o mga app mula sa mga hindi alam na source.
Alamin kung paano mag-uninstall ng mga app at extension sa iyong device:
Tip: Para malaman kung paano mag-alis ng mga app at extension mula sa iba pang device at browser, pumunta sa site ng suporta ng device o browser.
Hakbang 5: Magkaroon ng proteksyon laban sa mga kahina-hinalang mensahe at content
Puwedeng gumamit ang mga hacker ng mga email, text message, tawag sa telepono, at website para magpanggap na mga institusyon, miyembro ng pamilya, o katrabaho.
Iwasan ang mga kahina-hinalang request- Huwag i-share ang iyong mga password. Hindi kailanman hihilingin ng Google ang iyong password sa isang email, mensahe, o tawag sa telepono.
- Huwag sumagot sa mga kahina-hinalang email, text, instant message, webpage, o tawag sa telepono na nanghihingi ng iyong personal o pinansyal na impormasyon.
- Huwag mag-click ng mga link sa mga email, mensahe, webpage, o pop-up mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang website o tagapadala.
Para makatulong na protektahan ang iyong account, awtomatikong tinutukoy ng Gmail ang mga kahina-hinalang email. Para paigtingin ang built-in na proteksyong ito, puwede mo ring tukuyin mismo ang mga kahina-hinalang email at setting:
- Tingnan kung peke ang isang mensahe sa Gmail.
- Tiyaking magkatugma ang email address at pangalan ng sender.
- Kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang email sa Gmail, iulat ito bilang spam o phishing. Makakatulong ito sa Google na pigilan ang mga scammer sa hinaharap.
- Suriin ang iyong mga setting ng Gmail at tiyaking walang kakaibang aktibidad.
Tip: Kung ginagamit mo ang Gmail sa iyong computer, itapat ang cursor sa link nang hindi ito kini-click. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, tingnan ang address sa web at tiyaking ito ang inaasahan mo.
Idinisenyo ang Google Chrome at Search para balaan ka tungkol sa kahina-hinalang content at hindi gustong software.
Alamin kung paano pamahalaan ang mga babalang ito sa Chrome at Search.
Kung may mapapansin kang mga kahina-hinalang aktibidad sa iyong account
Sundin ang mga hakbang para makatulong na i-secure ang iyong account.