Posibleng pinoprotektahan ng copyright ang ilang musika o pelikulang dina-download o sini-stream mo. Kapag pumunta ka sa isang site na may pinoprotektahang content, posibleng suriin ng Chrome ang mga setting ng content ng iyong device bago ito magpakita ng pinoprotektahang content.
Ipe-play ng Chrome ang pinoprotektahang content nang default.
Kung ayaw mong mag-play ang Chrome ng pinoprotektahang content nang default, puwede mong baguhin ang mga setting:
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting.
- I-tap ang Mga setting ng site Pinoprotektahang Content.
- Piliin ang Magtanong muna o Naka-block.
Tip: Kung pinayagan mo ang isang site na makilala ang iyong device, puwede mong i-delete ang impormasyong ibinigay mo sa site na iyon kapag nag-clear ka ng iyong data mula sa pag-browse.