Puwede mong i-restore ang mga setting ng iyong browser sa Chrome anumang oras. Maaaring kailanganin mong gawin ito kung nabago ng mga na-install mong app o extension ang mga setting mo nang hindi mo nalalaman. Hindi maki-clear o mababago ang iyong mga naka-save na bookmark at password.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Piliin ang I-reset ang mga setting I-restore ang mga setting sa mga orihinal na default ng mga ito I-reset ang mga setting.
Hindi magdudulot ng ganap na pag-reset ang mga hakbang na ito. Halimbawa, hindi made-delete ang ilang setting tulad ng mga font o accessibility. Para gumawa ng profile ng bagong user, magdagdag ng bagong user sa Chrome.
Ang mga mababago kapag na-restore mo ang iyong mga setting
Sa iyong profile sa Chrome, mapapalitan ng default ang mga sumusunod na setting sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in:
- Default na search engine:Sa ilang bansa, Google Search ang default na search engine ng Chrome. Sa iba pa, posibleng papiliin ka ng iyong default na search engine. Alamin kung paano itakda ang iyong default na search engine.
- Homepage at mga tab: Alamin kung paano itakda ang iyong homepage sa Chrome at magtakda ng mga default na tab sa pag-startup.
- Ang page ng bagong tab: Alamin kung paano itakda ang page kung saan magbubukas ang bagong tab.
- Mga tab na na-pin mo: Alamin kung paano mag-pin ng mga tab.
- Ang mga setting ng content: Tulad ng pagbibigay-daan sa isang site na magpakita sa iyo ng mga pop-up o gamitin ang iyong mikropono. Alamin kung paano baguhin ang iyong mga setting ng content.
- Cookies at data ng site: Tulad ng mga item sa isang online na shopping cart. Alamin kung paano pamahalaan ang cookies at data ng site.
- Mga extension at tema: Matuto pa tungkol sa mga extension at tema.
Mag-troubleshoot ng mga problema sa pag-reset
Kung hindi nagbubukas ang menu ng mga setting o wala ito roon, posibleng may problema sa Chrome. Para ayusin ito, i-uninstall ang Chrome at pagkatapos ay i-download ulit ang Chrome mula sa google.com/chrome at i-install ulit ito.
Kung nagkakaproblema ka pa rin, posibleng may naka-install kang program na nagbabago sa iyong mga setting ng Google Chrome. Matuto nang higit pa tungkol sa mga program na nagdudulot ng mga hindi gustong pagbabago sa mga setting.
Kung minsan, maaaring baguhin ng mga program na ini-install mo ang mga setting ng iyong Chrome nang hindi mo nalalaman. Para sa iyong kaligtasan, sinusuri ng browser kung binago ang iyong mga setting sa tuwing ilulunsad mo ang Chrome. Kung mapansin ng Chrome na may mali sa iyong mga setting, awtomatiko itong babalik sa mga orihinal na setting.
Mga setting na maaaring awtomatikong ma-reset:
- Default na search engine
- Homepage
- Mga page ng startup
- Mga naka-pin na tab
- Mga Extension
Ire-reset ng Chrome ang iyong mga setting kung hindi ka naka-sign in sa Chrome. Kung naka-sign in ka sa Chrome, makikita mo pa rin ang iyong mga karaniwang setting.