Puwede mong i-set up ang Chrome para makatanggap ng mga notification, tulad ng mga paalala sa pulong, mula sa mga website, app, at extension.
Kung nakakakuha ka ng mga pop-up o ad, alamin kung paano i-block o payagan ang mga pop-up.
Paano gumagana ang mga notification
Bilang default, inaalertuhan ka ng Chrome kapag gusto kang padalhan ng mga notification ng isang website, app o extension. Mababago mo ang setting na ito anumang oras.
Kapag nag-browse ka ng mga site na may mga nakakasagabal o nakakapanlinlang na notification, awtomatikong iba-block ng Chrome ang mga notification at magrerekomenda ito sa iyong ipagpatuloy mo ang pag-block sa mga notification na ito.
Kung magba-browse ka nang pribado, hindi ka makakatanggap ng mga notification.
Baguhin ang iyong mga default na setting ng mga notification
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- I-click ang Privacy at seguridad Mga Setting ng Site Mga Notification.
- Piliin ang opsyon na gusto mong maging default na setting.
- Mag-block ng site:
- Sa tabi ng "Hindi pinapayagang magpadala ng mga notification," i-click ang Magdagdag.
- Ilagay ang address sa web ng site.
- I-click ang Idagdag.
- Payagan ang isang site:
- Sa tabi ng "Pinapayagang magpadala ng mga notification," i-click ang Magdagdag.
- Ilagay ang address sa web ng site.
- I-click ang Idagdag.
- Payagan ang mga mas tahimik na prompt ng notification:
- Payagan ang mga site na humiling na magpadala ng mga notification.
- I-click ang Gamitin ang pag-block ng notification.
- Bina-block nito ang mga prompt ng notification para hindi ka maabala. Puwede pa ring hilingin sa iyo ng isang website na payagan ang mga notification, pero walang lalabas na pop-up na prompt. Sa halip, may makikita ka lang na icon na bell sa tabi ng address ng website. Puwede mong i-click ang bell para payagan ang access.
- Mag-block ng site:
Mga Tip:
- Kung papayagan mo ang mga notification para sa isang site na minarkahan ng Chrome bilang mapang-abuso o nakakapanlinlang, posibleng i-block ng Chrome ang mga notification na iyon at i-require nito sa site na i-request ulit ang iyong pahintulot. Puwede mong baguhin ang setting para payagan ang mga notification.
- Paminsan-minsan, papaalalahanan ka ng Chrome na suriin ang mga ibinigay mong pahintulot sa notification.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa site kung saan mo gustong makatanggap ng mga notification.
- I-click ang Tingnan ang impormasyon ng site .
- Para payagan ang mga notification, i-on ang Mga Notification.
Tip: Kapag nakita ng Chrome na nakakaabala ang isang site, posible nitong awtomatikong alisin ang pahintulot ng isang site na magpadala ng mga notification at i-require ang site na mag-request ulit ng iyong pahintulot. Para i-undo ito, mag-navigate papunta sa site, i-click ang Naka-block ang mga notification , at i-enable ulit ang mga notification sa mensaheng iyon.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting.
- I-click ang Privacy at seguridad Mga Setting ng Site Mga pop-up at pag-redirect.
- Sa ilalim ng "Pinapayagang magpadala ng mga pop-up at gumamit ng mga pag-redirect," hanapin ang site.
- Sa kanang bahagi ng site, i-click ang Higit pa I-block.
[*.]example.com
.