Mga tip at trick para sa Chrome

Sulitin ang Chrome sa pamamagitan ng pagsubok sa ilan sa aming tip sa ibaba.

Mag-sign in sa Chrome gamit ang iyong Google Account

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, mase-save mo ang mga detalye tulad ng iyong mga password, mga bookmark, at iba pang data sa iyong account. Bibigyang-daan ka nitong magamit ang mga ito sa iba mo pang device kung saan ka naka-sign in.

Alamin kung paano mag-sign in sa Chrome gamit ang iyong Google Account.

Gumawa ng sarili mong profile

Maaari mong ipagamit sa maraming tao ang Chrome sa iisang device, kung saan may sariling mga setting, bookmark at tema ang bawat isa.

Kung mayroon kang iba't ibang account, gaya ng para sa trabaho at para sa personal, puwede kang gumamit ng mga profile sa Chrome para mapanatiling magkakahiwalay ang iyong mga bookmark, extension, at setting.

Alamin kung paano magdagdag ng profile sa Chrome.

I-personalize ang Chrome sa tulong ng mga extension at tema

I-personalize ang Chrome sa pamamagitan ng mga extension o nakakatuwang tema. Makakahanap ka ng mga bagong extension at tema sa Chrome Web Store.

  • Ang mga extension ay mga karagdagang feature na puwede mong idagdag sa Chrome.
  • Lumalabas ang mga tema sa paligid ng border ng browser at nagpapakita ang mga ito ng background kapag nagbukas ka ng bagong tab.

Alamin kung paano i-customize ang Chrome sa tulong ng mga tema.

Magbukas ng partikular na page o magpatuloy kung saan ka tumigil

I-set up ang Chrome para i-load ang iyong paboritong page sa unang beses na bubuksan mo ang Chrome sa iyong computer. O, puwede kang magpatuloy kung saan ka tumigil sa mga page na binuksan mo noong huling beses na ginamit mo ang Chrome.

Alamin kung paano itakda ang iyong mga page sa pagsisimula.

Mag-browse nang pribado o i-delete ang iyong history

Kung ayaw mong mag-save ang Google Chrome ng talaan ng iyong mga binibisita at dina-download, maaari mong i-browse ang web nang pribado sa Incognito mode. Puwede mo ring i-delete ang iyong history, cookies, at iba pang impormasyon: alisin ang lahat ng ito, o ang ilan lang mula sa isang partikular na yugto ng panahon.

Alamin kung paano gamitin ang Incognito mode at i-delete ang iyong impormasyon.

I-personalize ang iyong page na Bagong Tab

Nagku-curate ang Chrome ng content na posibleng maging kapaki-pakinabang sa iyo batay sa aktibidad mo sa web. Nagbibigay ang mga card ng Chrome sa page na Bagong Tab ng mabilis na pag-access sa mga kamakailang file ng Google Drive at sa iyong mga shopping cart.

Alamin kung paano i-personalize ang iyong page ng Bagong Tab.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
8163608476681922850
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false