Gamitin ang pahina ng Bagong Tab

Maaaring napansin mo na nagbago na ang iyong pahina ng Bagong Tab. Nasa bersyong ito pa rin ng Chrome ang lahat ng tampok na alam at kinagigiliwan mo, ngunit ginawa naming mas mabilis ang paghahanap.

Paghahanap

Simulan ang pagta-type sa iyong query sa paghahanap sa loob ng box para sa paghahanap at makikita mong lumalabas sa omnibox ang iyong query. Maaari ka ring maglagay ng URL upang mag-navigate sa isang webpage.

Alam mo bang maaari ka ring direktang maghanap mula sa omnibox?

May pagpipilian ang iyong default na provider ng paghahanap na i-customize ang pahina ng Bagong Tab. Kung ang Google ang iyong default na provider ng paghahanap, makakakita ka ng logo at box para sa paghahanap gaya ng sa www.google.com. Kung hindi Google ang iyong default na provider sa paghahanap, maaari kang makakita ng ibang layout sa pahina ng Bagong Tab.

 Pinakabinibisita

Lumalabas sa ibaba ng box para sa paghahanap ang mga thumbnail ng mga website na madalas mong binibisita. Mag-click lang ng isang thumbnail upang bisitahin ang site.

Upang mag-alis ng pinakamadalas bisitahing site, i-hover ang iyong mouse sa thumbnail at i-click ang icon na X sa kanang sulok sa itaas ng thumbnail.

 Apps

Windows, Mac, at Linux

Maa-access ang mga icon para sa apps na in-install mo mula sa Chrome Web Store sa pamamagitan ng pag-click sa bookmark ng Apps sa bookmarks bar. Sa sandaling nasa pahina ka na ng Chrome Apps, mag-click lang sa isang icon upang buksan ang app. Kung hindi mo makita ang bookmark ng Apps, mag-right-click sa bookmarks bar at i-click ang Ipakita ang Shortcut sa Apps.

Kung nag-install ka ng apps sa Google Chrome sa isa pang computer, maaari kang Mag-sign in sa Chrome at i-enable ang pag-sync upang awtomatikong idagdag ang mga app na iyon sa pahina ng Chrome Apps sa computer na ginagamit mo.

Upang baguhin kung paano dapat buksan ang isang app, i-right click ang icon ng app at piliin ang "Buksan bilang isang regular na tab", "Buksan bilang naka-pin na tab", "Buksan bilang window", o "Buksan sa full screen". Para sa mga karagdagang setting, i-right click ang app at piliin ang "Mga Pagpipilian".

Upang i-uninstall ang isang app mula sa Chrome, i-right click ang app at piliin ang Alisin sa Chrome.

Mga Chromebook

Maa-access ang mga icon para sa apps na in-install mo mula sa Chrome Web Store sa pamamagitan ng pag-click sa launcher .

 Bookmarks bar

Ipinapakita sa tuktok ng pahina ng Bagong Tab ang mga paborito mong webpage bilang default.

 Muling magbukas ng kamakailang isinarang tab

Kung naisara mo ang isang tab nang hindi sinasadya at kailangan mo itong ipanumbalik kaagad, gamitin ang keyboard shortcut na Crtl+Shift+T (Mac: ⌘-Shift-T) o sundin ang mga hakbang na ito:

  1. I-click ang Menu ng Chrome Chrome menu sa toolbar ng browser.
  2. Piliin ang Mga Kamakailang Tab.
  3. Piliin ang gustong tab mula sa listahan sa ilalim ng "Kamakailang isinara."

Ulitin ang mga hakbang na ito upang maibalik ang higit pang mga kamakailang isinarang tab.

Kung ikaw ay naka-sign in sa Chrome, maaari mong i-access ang lahat ng iyong kasaysayan at mga nakabukas na tab mula sa iba mo pang device na naka-sign in sa Chrome sa pamamagitan ng pag-click sa Mga Kamakailang Tab > Higit Pa.