I-delete ang data mula sa pag-browse sa Chrome

Puwede mong i-delete ang iyong history ng pag-browse sa Chrome at iba pang data mula sa pag-browse, tulad ng mga naka-save na entry sa form, o puwede kang mag-delete lang ng data mula sa isang partikular na petsa.

Ano ang mangyayari sa iyong impormasyon

Data na puwedeng i-delete

Puwedeng i-delete sa Chrome ang sumusunod na data na nauugnay sa iyong gawi online:

  • History ng Pag-browse: Kasama rito ang mga address sa web na binisita mo na makikita sa page na History, mga shortcut ng mga ito mula sa page na Bagong Tab, at mga prediksyon sa address bar para sa mga website na iyon.
  • Cookies, Data ng Site:
    • Cookies: Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga binibisita mong website. Pinapadali ng mga ito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon sa pag-browse.
    • Data ng site: Mga uri ng storage na naka-enable para sa HTML5 kasama ang mga cache ng application, data ng Web Storage, data ng Web SQL Database, at data ng Indexed Database.
  • Mga Naka-cache na Larawan at File: Tinatandaan ng Chrome ang ilang bahagi ng page, tulad ng text at mga larawan, para tulungan ang mga ito na mas mabilis na bumukas sa iyong susunod na pagbisita.
  • Mga Naka-save na Password: Mga record ng mga password na na-save mo.
  • Data ng Autofill: Lahat ng iyong entry sa Autofill at record ng text na inilagay mo sa mga web form.
Data na hindi made-delete

May iba pang uri ng data na nauugnay sa iyong gawi online. Ito ang mga uri ng data na puwedeng hiwalay na i-delete:

Tip: Bago mo itapon o ipamigay ang iyong device, tandaang i-delete ang data mo mula sa pag-browse at mag-sign out sa Chrome.

I-delete ang iyong data mula sa pag-browse sa Chrome

Kung nag-save ka ng isang uri ng data sa iyong Google Account, puwede mo itong i-delete mula sa iyong iPhone o iPad anumang oras. Maaalis ito sa iyong Google Account at hindi ito magiging available sa iba mo pang device kung saan ka naka-sign in.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete ang Data mula sa Pag-browse.
  3. May lalabas na popup na window kung saan puwede kang magtakda ng tagal at mapipili mo ang data mula sa pag-browse na gusto mong i-delete.
    • Sa tabi ng “Hanay ng Oras,” pumili ng tagal. Labinlimang minuto ang default na hanay ng oras.
    • Para pumili ng partikular na data na gusto mong i-delete:
      1. I-tap ang Data mula sa Pag-browse.
      2. Piliin ang mga uri ng data mula sa pag-browse na gusto mong i-delete.
      3. I-tap ang Kumpirmahin.
  4. I-tap ang I-delete ang Data mula sa Pag-browse.

Mga Tip:

  • Para mag-sign out sa iyong Google Account sa lahat ng website, mag-sign out sa Chrome.
  • Para mabilis na mapuntahan ang dialog na I-delete ang data mula sa pag-browse, sa address bar, i-type ang “I-delete ang data mula sa pag-browse” at pagkatapos ay i-tap ang Action chipAlamin ang Mga Pagkilos sa Chrome para mabilis na matapos ang mga gawain.
  • Puwede mo ring i-delete ang iyong history ng pag-browse kapag nag-tap ka sa Higit pa Higit pa at pagkatapos History at pagkatapos I-delete ang Data mula sa Pag-browse….
Mag-delete ng mga indibidwal na item

Sa halip na mag-delete ng buu-buong kategorya ng iyong data mula sa pag-browse, puwede kang pumili ng mga item na ide-delete:

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
17280581940312484250
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false