I-delete ang data mula sa pag-browse sa Chrome

Puwede mong i-delete ang iyong history ng pag-browse sa Chrome at iba pang data mula sa pag-browse, tulad ng mga naka-save na entry sa form, o puwede kang mag-delete lang ng data mula sa isang partikular na petsa.

Ano ang mangyayari sa iyong impormasyon

Data na puwedeng i-delete
  • History ng pag-browse: Kapag na-delete ang iyong history ng pag-browse, made-delete ang mga sumusunod:
    • Maaalis sa page ng History ang mga binisita mong address sa web.
    • Maaalis sa page na Bagong Tab ang mga shortcut sa mga page na iyon.
    • Hindi na ipapakita ang mga prediction sa address bar para sa mga website na iyon.
  • Mga Tab: Isasara ang mga nakabukas na tab sa iyong device.
  • Cookies at data ng site
    • Cookies: Ginagawa ng mga website na binibisita mo ang mga file na ito para mas padaliin ang iyong online na experience sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon sa pag-browse. Made-delete ang mga cookies.
    • Data ng site: Made-delete ang mga uri ng storage na naka-enable para sa HTML5 kasama ang mga cache ng application, data ng Web Storage, data ng Web SQL Database, at data ng Indexed Database.
    • Mga lisensya ng media: Made-delete ang mga lisensya para sa content na protektado ng HTML5, tulad ng mga pelikula o musikang na-play o na-download mo.
  • Mga naka-cache na larawan at file: Tinatandaan ng Chrome ang ilang bahagi ng mga page para matulungan ang mga itong mas mabilis na bumukas sa iyong susunod na pagbisita. Maaalis ang text at mga larawan sa mga binibisita mong page sa Chrome.
  • Mga naka-save na password: Made-delete ang mga password na na-save mo.
  • Data para sa pag-autofill ng form: Made-delete ang lahat ng iyong entry sa autofill, kasama ang mga address at credit card. Hindi made-delete ang mga naka-save na card at address sa Google Account mo.
  • Mga setting ng site: Made-delete ang mga setting at pahintulot na ibinigay mo sa mga website. Halimbawa, kung pinapayagan ang site na magpatakbo ng JavaScript, gamitin ang iyong camera, o alamin ang iyong lokasyon.
Data na hindi made-delete

May iba pang uri ng data na nauugnay sa iyong gawi online. Ito ang mga uri ng data na puwedeng hiwalay na i-delete:

Kung ipapamigay mo ang iyong device, tandaang i-delete ang data mo mula sa pag-browse at pagkatapos ay mag-sign out sa Chrome.

I-delete ang iyong data mula sa pag-browse

Mahalaga: Kung ide-delete mo sa iyong Android device ang data na naka-save sa Google Account mo, maaalis ito sa lahat ng device kung saan ka naka-sign in sa iyong Google Account.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang data mula sa pag-browse.
    • Para i-delete ang history ng pag-browse (kabilang ang mga nakabukas na tab), pumili ng tagal at i-tap ang I-delete ang data. Labinlimang minuto ang default na tagal.
    • Para pumili ng mga mas partikular na uri ng data na gusto mong i-delete, i-tap ang Higit pang opsyon. Piliin ang mga uri ng data mula sa pag-browse na gusto mong i-delete at i-tap ang I-delete ang data.
      • Kung magde-delete ka ng cookies habang naka-sign in sa Chrome, hindi ka masa-sign out sa iyong Google Account.

Mga Tip:

Mag-delete ng mga indibidwal na item

Sa halip na mag-delete ng buu-buong kategorya ng iyong data mula sa pag-browse, puwede kang pumili ng mga item na ide-delete:

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
2246114890447277553
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false