I-clear ang data mula sa pag-browse

Puwede mong kontrolin ang iyong history at iba pang data mula sa pag-browse, tulad ng mga naka-save na form entry.

I-delete ang lahat ng iyong data o ilang data lang mula sa isang partikular na panahon

Ano ang mangyayari sa iyong impormasyon

Data na maaaring i-delete
  • History ng pag-browse: Kapag na-clear ang iyong history ng pag-browse, made-delete ang mga sumusunod:
    • Maaalis sa page ng History ang mga binisita mong web address.
    • Maaalis sa page na Bagong Tab ang mga shortcut sa mga page na iyon.
    • Hindi na ipapakita ang mga hula sa address bar para sa mga website na iyon.
  • Cookies, data ng site:
    • Cookies: Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga binibisita mong website. Pinapadali ng mga ito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon ng browser.
    • Data ng site: Mga uri ng storage na naka-enable para sa HTML5 kasama ang mga cache ng application, data ng Web Storage, data ng Web SQL Database, at data ng Na-index na Database.
  • Mga naka-cache na larawan at file: Tinatandaan ng Chrome ang ilang bahagi ng mga page para matulungan ang mga itong mas mabilis na bumukas sa iyong susunod na pagbisita. Maaalis ang text at mga larawan sa mga binibisita mong page sa Chrome.
  • Mga naka-save na password: Made-delete ang mga talaan ng mga na-save mong password.
  • Data ng Autofill: Made-delete ang lahat ng iyong entry ng Autofill at talaan ng text na inilagay mo sa mga web form.
Data na hindi made-delete

May iba pang uri ng data na nauugnay sa iyong gawi online. Ito ang mga uri ng data na maaaring hiwalay na i-delete:

Kung ipamimigay mo ang iyong device, huwag kalimutang i-delete muna ang data mula sa pag-browse mo at pagkatapos ay i-off ang pag-sync sa Chrome.

I-delete ang iyong data mula sa pag-browse

Kung nagsi-sync ka ng isang uri ng data, kapag na-delete ito sa iyong iPhone o iPad, made-delete ito sa lahat ng lugar kung saan ito naka-sync. Maaalis ito sa iba pang device at sa iyong Google Account.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay History History.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-clear ang data mula sa pag-browse.
  4. Piliin ang mga uri ng impormasyong gusto mong alisin.
  5. I-tap ang I-clear ang data mula sa pag-browse at pagkatapos ay I-clear ang data mula sa pag-browse.
  6. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Tapos na.

Mag-delete ng mga indibidwal na item

Sa halip na mag-delete ng mga buong kategorya ng iyong data mula sa pag-browse, puwede kang pumili ng mga item na ide-delete:

Mag-delete sa isang device

Kapag nag-delete ng impormasyon sa isang device, made-delete ito sa lahat ng lugar kung saan ito naka-sync. Para mag-delete ng data sa isang device nang hindi ito inaalis sa lahat ng lugar:

  1. I-off ang pag-sync sa device.
  2. I-delete ang data sa device.
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
237
false