I-clear ang data mula sa pag-browse sa Chrome

Puwede mong i-delete ang iyong history ng pag-browse at iba pang data mula sa pag-browse, tulad ng mga na-save na entry sa form, o puwede kang mag-delete na lang ng data mula sa isang partikular na petsa.

Ano ang mangyayari sa iyong impormasyon

Data na puwedeng i-delete

Puwedeng i-delete sa Chrome ang sumusunod na data na nauugnay sa iyong gawi online:

  • History ng Pag-browse: Kasama rito ang mga address sa web na binisita mo na makikita sa page na History, mga shortcut ng mga ito mula sa page na Bagong Tab, at mga prediction sa address bar para sa mga website na iyon.
  • Cookies, Data ng Site:
    • Cookies: Ang cookies ay mga file na ginagawa ng mga binibisita mong website. Pinapadali ng mga ito ang iyong online na karanasan sa pamamagitan ng pag-save ng impormasyon sa pag-browse.
    • Data ng site: Mga uri ng storage na naka-enable para sa HTML5 kasama ang mga cache ng application, data ng Web Storage, data ng Web SQL Database, at data ng Indexed Database.
  • Mga Naka-cache na Larawan at File: Tinatandaan ng Chrome ang ilang bahagi ng page, tulad ng text at mga larawan, para tulungan ang mga ito na mas mabilis na bumukas sa iyong susunod na pagbisita.
  • Mga Naka-save na Password: Mga record ng mga password na na-save mo.
  • Data ng Autofill: Lahat ng iyong entry sa Autofill at record ng text na inilagay mo sa mga web form.
Data na hindi made-delete

May iba pang uri ng data na nauugnay sa iyong gawi online. Ito ang mga uri ng data na puwedeng hiwalay na i-delete:

Tip: Bago mo itapon o ipamigay ang iyong device, tandaang i-delete ang data mo mula sa pag-browse at mag-sign out sa Chrome.

I-delete ang iyong data mula sa pag-browse sa Chrome

Kung nag-save ka ng isang uri ng data sa iyong Google Account, puwede mo itong i-delete mula sa iyong iPhone o iPad anumang oras. Maaalis ito sa iyong Google Account at hindi ito magiging available sa iba mo pang device kung saan ka naka-sign in.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-clear ang Data mula sa Pag-browse.
  3. Piliin ang mga uri ng impormasyong gusto mong alisin.
  4. I-tap ang I-clear ang Data mula sa Pag-browse.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Tapos na.
Mag-delete ng mga indibidwal na item

Sa halip na mag-delete ng buu-buong kategorya ng iyong data mula sa pag-browse, puwede kang pumili ng mga item na ide-delete:

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17675937838054258092
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false