Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu

Nakatanggap kami ng ilang ulat tungkol sa ilang user na biglang nasa-sign out sa kanilang mga account. Nagsisiyasat na kami, ngunit huwag mag-alala: walang nagpapahiwatig na konektado ito sa anumang banta ng phishing o banta sa seguridad ng account. Pakisubukang mag-sign in muli sa accounts.google.com at kung hindi mo matandaan ang iyong password, pakigamit ang link na ito upang i-recover ang password mo. Kung gumagamit ka ng 2-Step na Pag-verify, maaaring may pagkaantala sa pagtanggap sa iyong SMS code. Pakisubukang muli o gumamit ng mga backup na code.

Magbukas at gumamit ng mga tab

Maaari kang magbukas sa Chrome ng kahit ilang tab hangga't gusto mo. Maaari mo ring tingnan ang lahat ng iyong tab at magpalipat-lipat sa mga ito.

Magbukas ng bagong tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  3. I-tap ang Bagong tab.
Android tablet
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa itaas, sa tabi ng mga nakabukas mong tab, i-tap ang Bagong tab bagong tab.

Tingnan ang mga website na madalas mong binibisita

Kapag nagbukas ka ng bagong tab, sa ilalim ng box para sa paghahanap, makakakita ka ng mga larawan ng mga website na madalas mong binibisita. Kung hindi ka pa nakakagamit ng Chrome dati, makakakita ka ng ilang kilalang site.

  • Upang bisitahin ang isang site, i-tap ang larawan.
  • Upang alisin ang isang site, pindutin nang matagal ang isang larawan. I-tap ang Alisin.

Tingnan at i-edit ang mga iminumungkahing artikulo

  • Upang makakita ng iminumungkahing content, gaya ng mga kamakailang bookmark at kawili-wiling artikulo, mag-swipe pababa sa isang bagong tab. Kung ikaw ay naka-sign in sa Chrome, batay sa iyong aktibidad sa Web at App ang mga suhestyon.
  • Upang mag-alis ng item, mag-swipe pakaliwa o pakanan.
  • Upang mag-save at magbasa ng mga item offline, i-tap nang matagal ang artikulo pagkatapos ay I-download ang link. Kapag tapos na ang pag-download, hanapin ang artikulo sa seksyong "Mga Download" sa isang bagong tab.

Isara ang mga tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng tab na gusto mong isara, i-tap ang Isara Isara.
    • Maaari ka ring mag-swipe upang isara ang tab.

Isara ang lahat ng tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  4. I-tap ang Isara ang Lahat ng Tab.
Android tablet
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa anumang tab na gusto mong isara, i-tap ang Isara Isara.

Isara ang lahat ng tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa anumang tab, pindutin nang matagal ang Isara Isara.
  3. I-tap ang Isara ang lahat ng tab.

Tingnan ang mga tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. I-tap ang tab na gusto mong tingnan.
Android tablet
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa itaas, i-tap ang tab na gusto mong makita.

Tumingin sa 2 tab nang magkasabay

Kung may Android N at mas bago ang iyong device, maaari kang tumingin sa dalawang tab nang magkasabay.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa ibaba, pindutin nang matagal ang Pangkalahatang-ideya Pangkalahatang-ideya. Makakakita ka ng 2 screen.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng Chrome tab, i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  4. I-tap ang Lumipat sa ibang window.

Lumipat sa isang bagong tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab.
  3. Mag-swipe pataas o pababa.
  4. I-tap ang tab kung saan mo gustong lumipat.
Android tablet
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. I-tap ang tab kung saan mo gustong lumipat.

Muling magsaayos ng mga tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Pindutin nang matagal ang tab na gusto mong ilipat.
  3. I-drag ang tab sa ibang posisyon.

Mag-refresh ng mga tab

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit Pa Higit pa.
  3. I-tap ang I-reload I-reload.

Mga kaugnay na link