Gamitin ang Chrome sa maraming profile

Sa pamamagitan ng mga profile, mapapanatili mong nakahiwalay ang lahat ng iyong impormasyon sa Chrome, tulad ng mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting.

Naaangkop ang mga profile kapag gusto mong:

  • Magbahagi ng computer sa maraming tao.
  • Panatilihing magkakahiwalay ang iyong iba't ibang account, tulad ng para sa trabaho at para sa personal.

Ang makikita ng ibang tao kapag ibinahagi mo ang Chrome

Ipagamit mo lang ang iyong device sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Kung may ibang taong gumagamit ng iyong device, maaari siyang lumipat sa anumang iba pang profile sa Chrome na nasa device. Kung bubuksan niya ang iyong profile sa Chrome, makikita niya ang impormasyon tulad ng mga website na binisita mo.

Magdagdag ng bagong profile

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile.
  3. I-click ang Idagdag.
  4. Kung pipiliin mong Mag-sync sa iyong Google Account, awtomatikong magiging pangalan ng Account mo ang pangalan ng iyong profile.
  5. Pumili ng pangalan, larawan, at scheme ng kulay.

Kung pipiliin mong i-on ang pag-sync sa Chrome sa pamamagitan ng Google Account para sa bagong profile, awtomatikong magsi-sync ang iyong mga bookmark, history, password, at iba pang setting.

Gumagamit ng Chromebook? Puwede mong ibahagi sa ibang tao ang iyong Chromebook sa pamamagitan ng pagdaragdag sa kanila sa Chromebook mo.

Lumipat sa ibang profile

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile.
  3. Piliin ang account kung saan mo gustong lumipat. 

Gumagamit ng Chromebook? Puwede kang gumamit ng maraming account nang sabay-sabay sa iyong Chromebook.

Magpalit ng pangalan, larawan, o kulay

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile
  3. Sa tabi ng "Iba Pang Profile," piliin ang Pamahalaan ang mga profile Pamahalaan ang mga tao.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas ng profile na gusto mong i-edit, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-edit.
  5. Maglagay ng bagong pangalan o pumili ng bagong larawan o tema ng kulay. Awtomatikong sine-save ang mga pagbabago.

Mag-alis ng profile

Mahalaga: Pagkatapos mong mag-alis ng profile sa Chrome, buburahin sa computer ang mga bookmark, history, password, at iba pang setting ng profile.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile.
  3. Sa tabi ng "Iba Pang Profile," piliin ang Pamahalaan ang mga profile Pamahalaan ang mga tao.
  4. Itapat ang cursor sa profile na gusto mong alisin.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit Pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.
  6. Para kumpirmahin, i-click ang I-delete.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6381209060537124541
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false