Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, puwede mong makuha ang iyong impormasyon sa lahat ng device mo at makakagamit ka ng mga karagdagang feature ng Chrome.
Kapag nag-sign in ka
- Puwede mong makuha ang iyong mga bookmark, password, at higit pa sa lahat ng device mo.
- Kung magpapalit ka ng device, halimbawa, kung nawala mo ang iyong telepono o bumili ka ng bagong laptop, maibabalik mo ang iyong naka-save na impormasyon.
- Awtomatiko kang makakapag-sign in sa Gmail, YouTube, Search, at iba pang serbisyo ng Google.
- Kung io-on mo ang Aktibidad sa Web at App at isi-sync ang iyong history sa Chrome, makakakuha ka ng mas maganda at naka-personalize na experience sa iba pang produkto ng Google.
Para makapag-sign in sa Chrome at ma-on ang pag-sync, dapat may Google Account ka.
Mahalaga: I-on lang ang Chrome sync sa mga device na pagmamay-ari mo. Kung gagamit ka ng pampublikong computer, gamitin na lang ang Guest mode.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile .
-
Piliin ang I-on ang pag-sync....
-
Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, ipo-prompt kang mag-sign in.
-
-
Piliin ang Oo, payag ako.
Mga Tip:
- Kung gusto mong mag-sync ng higit sa isang account o ipagamit ang iyong computer sa iba, alamin kung paano magdagdag ng profile sa Chrome.
- Kung gumagamit ka ng Chromebook, alamin kung paano mag-sync ng impormasyon sa Chrome.
Kung io-off mo ang pag-sync, makikita mo pa rin ang iyong mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting sa computer mo. Kung gagawa ka ng anumang pagbabago, hindi mase-save ang mga ito sa iyong Google Account at hindi masi-sync sa iba mo pang device.
Kapag na-off mo ang pag-sync, masa-sign out ka rin sa iba pang serbisyo ng Google, gaya ng Gmail.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Profile Naka-on ang pag-sync.
- Piliin ang I-off.
Para mag-delete ng naka-sync na impormasyon sa iyong Google Account:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa chrome.google.com/sync.
- Piliin ang I-delete ang data.
Para mag-sign out at i-off ang iyong Chromebook, alamin kung paano mag-sign out at i-off ito.
Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account sa pamamagitan ng serbisyo ng Google, tulad ng Gmail, posibleng itanong sa iyo kung gusto mo ring mag-sign in sa Chrome. Opsyonal na mag-sign in sa Chrome. Puwede mong baguhin ang iyong preference anumang oras. Matutunan kung paano mag-sign out sa Chrome.