Mag-sign in at mag-sync sa Chrome

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, puwede mong makuha ang iyong impormasyon sa lahat ng device mo at makakagamit ka ng mga karagdagang feature ng Chrome.

Kapag nag-sign in ka

  • Puwede mong makuha ang iyong mga bookmark, password, at higit pa sa lahat ng device mo.
  • Kung magpapalit ka ng device, halimbawa, kung nawala mo ang iyong telepono o bumili ka ng bagong laptop, maibabalik mo ang iyong naka-save na impormasyon.
  • Awtomatiko kang makakapag-sign in sa Gmail, YouTube, Search, at iba pang serbisyo ng Google.
  • Kung io-on mo ang Aktibidad sa Web at App at isi-sync ang iyong history sa Chrome, makakakuha ka ng mas maganda at naka-personalize na experience sa iba pang produkto ng Google.
Mag-sign in at i-on ang pag-sync

Para makapag-sign in sa Chrome at ma-on ang pag-sync, dapat may Google Account ka.

Mahalaga: I-on lang ang Chrome sync sa mga device na pagmamay-ari mo. Kung gagamit ka ng pampublikong computer, gamitin na lang ang guest mode.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile.
  3. I-click ang I-on ang pag-sync....

    • Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, ipo-prompt kang mag-sign in.

  4. I-click ang Oo, sali ako.

Tip: Kung gusto mong mag-sync ng mahigit sa isang account o kung may ibang gumagamit ng iyong computer, alamin kung paano magdagdag ng profile sa Chrome.

Mag-sign out at i-off ang pag-sync

Kung io-off mo ang pag-sync, makikita mo pa rin ang iyong mga bookmark, history, mga password, at iba pang setting sa computer mo. Kung gagawa ka ng anumang pagbabago, hindi mase-save ang mga ito sa iyong Google Account at hindi masi-sync sa iba mo pang device.

Kapag na-off mo ang pag-sync, masa-sign out ka rin sa iba pang serbisyo ng Google, gaya ng Gmail.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Profile Profile at pagkatapos ay Naka-on ang pag-sync.
  3. I-click ang I-off.

Para mag-delete ng naka-sync na impormasyon sa iyong Google Account:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Pumunta sa chrome.google.com/sync.
  3. Mag-scroll papunta sa I-clear ang Data at i-click ito.

Para mag-sign out at i-off ang iyong Chromebook, alamin kung paano mag-sign out at i-off ito.

Kapag nag-sign in ka sa iyong Google Account, sa pamamagitan ng serbisyo ng Google tulad ng Gmail, awtomatiko kang masa-sign in sa Chrome. Kung ayaw mong mag-sign in sa Chrome, puwede mong i-off ang pag-sign in sa Chrome.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
416224403207544825
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false