Mag-sign in at mag-sync sa Chrome

Kapag nag-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, puwede mong makuha ang iyong impormasyon sa lahat ng device mo at makakagamit ka ng mga karagdagang feature ng Chrome.

Kapag nag-sign in ka

  • Puwede mong makuha ang iyong mga bookmark, password, at higit pa sa lahat ng device mo.
  • Kung magpapalit ka ng device, halimbawa, kung nawala mo ang iyong telepono o bumili ka ng bagong laptop, maibabalik mo ang iyong naka-save na impormasyon.
  • Awtomatiko kang makakapag-sign in sa Gmail, YouTube, Search, at iba pang serbisyo ng Google.
  • Kung io-on mo ang Aktibidad sa Web at App at isi-sync ang iyong history sa Chrome, makakakuha ka ng mas maganda at naka-personalize na experience sa iba pang produkto ng Google.
Sa ilang bansa, posibleng kailanganin mong pamahalaan ang iyong mga naka-link na serbisyo ng Google para magamit ang history sa Chrome para sa pag-personalize at iba pang serbisyo.
Mag-sign in sa Chrome

Mahalaga: Para makapag-sign in sa Chrome, dapat may Google Account ka.

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Mag-sign In.
  3. Sa ilalim ng "Mag-sign In sa Chrome," piliin ang account na gusto mong gamitin.
  4. I-tap ang Magpatuloy bilang.
Mag-sign out sa Chrome
  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting.
  3. Sa itaas, i-tap ang pangalan ng iyong account.
  4. I-tap ang Mag-sign Out.

Para mag-delete ng naka-save na impormasyon sa iyong Google Account:

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa chrome.google.com/sync.
  3. I-tap ang I-delete ang data.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10241069975604232341
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false