Baguhin ang mga wika sa Chrome at isalin ang mga webpage

Puwede mong baguhin ang iyong gustong wika sa Chrome. Puwede ring magsalin ng mga page ang Chrome para sa iyo.

Palitan ang wika ng Chrome

Puwede mong piliin ang default na wika ng mga menu at setting ng iyong Chrome app.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga Wika.
  3. Sa ilalim ng “Wika ng Chrome,” i-tap ang kasalukuyang wika.
  4. Mula sa listahan ng wika, piliin ang wikang gusto mo.
  5. Pagkatapos mag-download ng wika, sa toolbar, i-tap ang I-restart.
    • Kumpleto na ang pag-download kapag nakita mo ang “Handa na ang wika” sa ilalim ng iyong bagong wika.

Mag-translate ng mga webpage sa Chrome

Kapag may nakita kang page na nakasulat sa wikang hindi mo nauunawaan, gamitin ang Chrome para isalin ang page sa wikang gusto mo.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa isang webpage na nakasulat sa ibang wika.
  3. Sa notification sa itaas ng screen, i-tap ang wika kung saan mo gustong isalin ang page.
    • Para baguhin ang default na wika:
      1. I-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Higit pang wika.
      2. Piliin ang wika.
    • Para palaging isalin ang mga page sa wikang ito, i-tap ang Mga Setting Mga Setting at pagkatapos ay Palaging isalin ang mga page sa [wika].

Hindi gumagana? Subukang i-refresh ang webpage. Kung hindi mo pa rin ma-tap ang I-translate, puwedeng hindi available ang wika para sa pag-translate.

Kung wala kang makikitang notification ng Isalin sa itaas ng iyong screen, puwede kang mag-request ng pagsasalin.

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos  Isalin...

Tip: Kung gusto mong isalin ang isang wika mula sa iyong listahan, i-tap ang wika at piliin ang Mag-alok na isalin.

Isalin ang piniling text
  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. Pumunta sa isang webpage na nakasulat sa ibang wika.
  3. I-highlight ang text na gusto mong isalin.
  4. Sa ibaba, lalabas ang pagsasalin ng salita o pariralang iyon.
  5. Para makakuha ng higit pang impormasyon, i-tap ang pagsasalin.
Tip: Para i-play back ang text sa isang wikang sinusuportahan ng text-to-speech, i-tap ang Makinig Makinig.

Baguhin ang iyong mga default na setting sa pagsasalin ng page

Bilang default, nag-aalok ang Chrome na mag-translate ng mga page na nakasulat sa isang wikang hindi mo nauunawaan.

Baguhin ang iyong default na wika

Piliin ang wika kung saan isasalin ng Chrome ang page.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome .
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Wika at pagkatapos ay Advanced .
  4. I-tap ang Isalin sa wikang ito.
  5. Mula sa listahan ng wika, piliin ang wikang gusto mo.

Idagdag ang lahat ng wikang alam mo

Unang ipapakita ng mga page na nasa higit sa isang wika ang iyong gustong wika.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit paHigit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Mga Wika.
  3. Sa ilalim ng "Mga wika ng content," i-tap ang Magdagdag ng wika.
  4. I-tap ang wikang gusto mong idagdag.
  5. Para baguhin ang pagkakaayos ng mga wika, i-drag ang mga ito kung saan mo gusto.
  6. Para mag-alis ng wika, sa tabi ng wikang gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin.

I-on o i-off ang pag-translate

Puwede mong kontrolin kung kailan mag-aalok ang Chrome na magsalin ng mga page.

Para i-on o i-off ang lahat ng pagsasalin para sa lahat ng page:

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay  Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Wika.
  4. Sa ilalim ng "Mga setting ng pagsasalin," i-on o i-off ang Mag-alok na ipadala sa Google Translate ang mga page na nasa ibang wika.

Pamahalaan ang listahan ng wikang "huwag kailanman isalin"

Kontrolin kung aling mga wika ang hindi iaalok na isalin ng Chrome.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Wika at pagkatapos ay Advanced .
  4. I-tap ang Huwag mag-alok na isalin ang mga wikang ito.
  5. Para magdagdag ng wika, i-tap ang Magdagdag ng wika at piliin ang wikang hindi kailanman isasalin.
  6. Para mag-alis ng wika, sa tabi ng wikang gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin.

Pamahalaan ang listahan ng wikang "laging isalin"

Kontrolin kung aling mga wika ang awtomatikong isasalin ng Chrome.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Mga Wika at pagkatapos ay Advanced .
  4. I-tap ang Awtomatikong isalin ang mga wikang ito.
  5. Para magdagdag ng wika, i-tap ang Magdagdag ng wika at piliin ang wikang laging isasalin.
  6. Para mag-alis ng wika, sa tabi ng wikang gusto mong alisin, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Alisin.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
13915967328043443712
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false