Puwede kang magbukas, maghanap, at mag-edit ng mga PDF sa Chrome.
Mahalaga: Para magamit ang mga feature sa PDF na ito, gumagamit dapat ang iyong device ng Android 12 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
Magbukas ng PDF
Puwede kang magbukas ng PDF mula sa isang website sa Chrome browser. Hindi mo kailangang i-download ang PDF o gumamit ng PDF reader.
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Pumunta sa isang website na may PDF.
- Para buksan, i-tap ang link ng PDF.
Mga Tip:
- Puwede ka ring mag-scan ng QR code para magbukas ng PDF sa Chrome.
- Hindi ka makakapagbukas ng PDF sa Chrome habang nasa Incognito mode. Makakakita ka ng prompt na i-download ang file kapag nasa Incognito mode.
- Madadala sa iyong PDF ang mga preference mong dark mode at dynamic na kulay sa Chrome. Alamin kung paano mag-browse sa dark mode o dark theme.
- Para magbukas ng PDF sa isang alternatibong PDF viewer:
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Buksan gamit ang...
.
- Piliin ang gusto mong PDF viewer.
- Kung ipo-prompt, piliin ang Isang Beses Lang o Palaging Buksan.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mag-navigate sa PDF
Puwede kang mag-navigate sa PDF nang katulad sa isang web page.
Magagawa mong:
- Mag-scroll sa file: Kapag nag-scroll ka, mawawala ang button na “I-edit” at lalabas ang handle sa pag-scroll sa kanang bahagi.
- Mag-zoom in at mag-zoom out:
- Para mag-zoom in, mag-pinch nang pabukas sa screen.
- Para mag-zoom out, mag-pinch nang pasara sa screen.
- Pumili ng text:
- Pindutin nang matagal ang text.
- Para i-adjust ang iyong pinili, i-drag ang mga handle.
Maghanap ng text sa PDF
- Sa nakabukas na PDF sa Chrome, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- Piliin ang Hanapin sa page.
- Ilagay ang text.
- Para hanapin ang susunod o nakaraang paglitaw ng text, piliin ang pataas o pababang arrow.
Mag-edit ng PDF
- Sa nakabukas na PDF sa Chrome, sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-edit
.
- Magbubukas ang PDF sa Google Drive.
- Sa menu, sa ibaba ng screen, puwede kang mag-edit gamit ang:
-
Pen
-
Highlighter
-
Eraser
-
I-undo
o Gawin ulit
-
I-hide
o Ipakita ang mga anotasyon
-
Tip: Kung gumagamit ka ng Android tablet, makikita mo ang menu sa kaliwa ng screen.
Mag-download ng PDF
- Sa nakabukas na PDF sa Chrome, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
.
- I-tap ang I-download
.
Tip: Para makita ang lahat ng iyong na-download na file, sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Download
.