Ang Google Chrome ay isang mabilis na web browser na available nang libre. Bago ka mag-download, tingnan kung sinusuportahan ng Chrome ang iyong operating system at kung mayroon ka ng lahat ng iba pang requirement sa system.
Para sa mga iOS device, available ang Chrome sa:
- iPad, iPhone, at iPod Touch
- iOS 15 at mas bago
- Lahat ng wikang sinusuportahan ng App Store
Para magsimula sa Chrome sa iyong iPhone o iPad:
- I-download ang Chrome
- Mag-sign in sa Chrome
- Gawing default browser mo ang Chrome
- Itakda ang posisyon ng iyong address bar
- Idagdag ang Chrome sa iyong dock
I-download ang Chrome
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang App Store.
- Sa search bar, ilagay ang
Chrome
. - I-tap ang Get.
- Para i-install, sundin ang mga tagubilin sa screen.
- Kung ipa-prompt, ilagay ang password para sa iyong Apple ID.
- Para magsimulang mag-browse, i-tap ang Open.
- Para buksan ang Chrome mula sa iyong Home screen, i-tap ang Chrome
.
- Para buksan ang Chrome mula sa iyong Home screen, i-tap ang Chrome
Mag-sign in sa Chrome
Mahalaga: Para makapag-sign in sa Chrome, dapat may Google Account ka.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome
.
- I-tap ang Higit pa
Mga Setting
Mag-sign In.
- Sa ilalim ng "Mag-sign In sa Chrome," piliin ang account na gusto mong gamitin.
- I-tap ang Magpatuloy bilang.
Gawing default browser mo ang Chrome
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chrome
.
- I-tap ang Higit pa
Mga Setting
Default Browser.
- I-tap ang Pumunta sa Mga Setting...
Default na Browser App.
- Itakda ang Chrome bilang iyong default na browser app.
Mga Tip:
- Para itakda ang Chrome bilang iyong default browser, dapat ay mayroon kang iOS 14 at mas bago.
- Kung hindi mo makita ang opsyong baguhin ang iyong default browser, mag-update sa pinakabagong bersyon ng Chrome.
Itakda ang posisyon ng iyong address bar
Piliin ang layout ng iyong address bar
Para i-customize ang iyong Chrome browser, mapipili mo kung ipapakita ang iyong address bar sa ibaba o itaas ng screen mo.
- Sa iyong iPhone, buksan ang Chrome
.
- I-tap ang Higit pa
Mga Setting
Address bar.
- Piliin ang Itaas o Ibaba.
- Puwede mo ring pindutin nang matagal ang address bar para ilipat ito.
- Pindutin nang matagal ang address bar.
- Piliin ang Ilipat ang address bar sa ibaba o Ilipat ang address bar sa itaas.
- Puwede mo ring pindutin nang matagal ang address bar para ilipat ito.
Tip: Puwede mo lang i-customize ang posisyon ng iyong address bar sa portrait mode. Sa landscape mode, mananatili ito sa itaas ng screen.
Idagdag ang Chrome sa iyong dock
- Para idadag ang Chrome
, posibleng kailanganin mong gumawa ng space sa iyong dock.
- Para mag-alis ng app, pindutin nang matagal ang app na gusto mong alisin.
- I-drag ang app sa iyong home screen at bitawan ito.
- Pindutin nang matagal Chrome
.
- I-tap ang I-edit ang Home Screen.
- I-drag ang Chrome app sa iyong dock at bitawan ito.
- Para kumpletuhin, mag-tap saanman sa screen.