Batay sa isang batas sa iyong rehiyon, habang nagse-set up o kapag nire-restart mo ang Chrome, posibleng papiliin ka ng iyong default na search engine. Nag-iiba depende sa bansa ang mga nakalistang search provider. Matuto pa tungkol sa mga screen ng pagpili.
Pinapagana ng default na search engine mo ang iyong mga paghahanap sa web at mga feature ng Chrome, tulad ng paghahanap mula sa address bar o sa mga larawan sa mga web page. Sa isang Chromebook, ito rin ang iyong search engine para sa mga paghahanap mula sa Launcher.
Posibleng hindi maging available ang ilang feature kung hindi ito sinusuportahan ng iyong search engine.
Pag-troubleshoot ng mga screen ng pagpili
Kung magkakaroon ka ng mga isyu sa mga screen ng pagpili, ganito aayusin ang mga ito:
Palitan ang iyong default na search provider pagkatapos ng pagpili sa screen ng pagpili
Tingnan ang iyong mga setting ng antivirus
Kung walang naki-click na button sa isang screen ng pagpili, o kung hindi responsive ang isang screen ng pagpili:
- I-update ang iyong mga setting ng antivirus.
- I-restart ang iyong browser.
I-adjust ang iyong mga setting ng zoom
Kung walang button para magpatuloy sa isang screen ng pagpili o button para kumpirmahin ang iyong napiling default:
- I-adjust ang iyong mga setting ng zoom sa browser at device mo.
- I-restart ang iyong browser.