Puwede mong hanapin ang anumang makikita mo gamit ang Google Lens sa Chrome. Halimbawa, puwede kang pumili ng larawan ng isang shirt sa page para malaman kung saan ito mabibili o kumuha ng larawan ng hayop para tukuyin ito.
Maghanap gamit ang Google Lens
Mahalaga: Itakda ang Google bilang iyong default na search engine.
Para maghanap sa isang page gamit ang Google Lens:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa isang website.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Maghanap gamit ang Google Lens.
- Sa isang webpage, mag-click, mag-highlight ng text, o pumili at mag-drag saanman sa page.
- Pagkatapos pumili, para magtanong ng mga follow up na tanong tungkol sa text o larawan, maglagay ng mga karagdagang termino para sa paghahanap o keyword sa paghahanap sa panel sa gilid.
- Posibleng may makita kang Mga AI na Overview sa iyong mga resulta sa Google Search. Alamin ang tungkol sa Mga AI na Overview.
- Para isara ang panel sa gilid, puwede mong:
- Piliin ang kahit saan sa bahagi ng live na page.
- Pindutin ang Esc.
- Sa panel sa gilid, piliin ang Isara
.
- Pagkatapos pumili, para magtanong ng mga follow up na tanong tungkol sa text o larawan, maglagay ng mga karagdagang termino para sa paghahanap o keyword sa paghahanap sa panel sa gilid.
Mga karagdagang paraan para maghanap gamit ang Google Lens:
- Mula sa address bar:
- Piliin ang address bar.
- Sa kanan, piliin ang Google Lens
.
- Mula sa isang larawan:
- I-right click ang larawan.
- Piliin ang Maghanap gamit ang Google Lens.
- O, mag-right click saanman sa labas ng isang larawan. Mula sa menu, puwede mong piliin ang Maghanap gamit ang Google Lens.
Mga Tip:
- Ipinapakita ang mga resulta ng paghahanap sa panel sa gilid. Para magbukas ng resulta sa isang bagong tab, piliin ang resulta ng paghahanap.
- Para pamahalaan ang Maghanap gamit ang Google Lens sa address bar:
- Mag-right click sa address bar.
- Piliin ang Palaging ipakita ang shortcut ng Google Lens.
- Puwede mong i-pin ang Maghanap gamit ang Google Lens sa toolbar. Alamin kung paano mag-pin at mag-unpin ng partikular na panel sa gilid.
Paano pinoproseso ng Google Lens ang data ng iyong page
Para magamit ang Google Lens sa unang pagkakataon, kakailanganin mong sumang-ayon sa pagpoproseso sa data ng page.
- Para tumulong na pumili ng mga object sa page, ipapadala sa Google ang isang screenshot ng page at data ng page. Hindi iso-store o ia-access ng sinumang tao ang screenshot at data ng page.
- Kapag pumili ka ng bahagi ng page, ipapadala ang pinili mo sa Google Search. Para pamahalaan o i-delete ang iyong Aktibidad sa paghahanap, pumunta sa Aking Aktibidad sa Google.
Mga kaugnay na resource
- Maghanap sa web sa Chrome
- Pamahalaan ang panel sa gilid ng Chrome
- Itakda ang default na search engine at mga shortcut sa paghahanap sa site