Puwede mong pamahalaan ang shortcut sa toolbar ng Chrome para mas madali mong ma-access ang mga feature na karaniwan mong ginagamit.
Pamahalaan ang shortcut ng toolbar
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting
Shortcut ng toolbar.
- I-on o i-off ang Shortcut ng toolbar.
- Sa listahan ng mga shortcut, i-tap ang gusto mong shortcut:
- Batay sa iyong paggamit
: Awtomatikong pinipili ng Chrome ang shortcut na karaniwan mong ginagamit.
- Bagong tab
: Magbukas ng bagong tab para magsimula ng bagong paghahanap o pumunta sa ibang website. Alamin kung paano pamahalaan ang mga tab sa Chrome.
- Mag-share
: Mag-share ng link sa kasalukuyang website. Alamin kung paano mag-share ng mga page sa Chrome.
- Paghahanap gamit ang boses
: Gamitin ang iyong boses para maghanap sa web. Alamin kung paano gamitin ang iyong camera at mikropono.
- Mag-bookmark
: Mag-save ng website para matingnan mo ulit ito sa ibang pagkakataon. Alamin kung paano gumawa, maghanap, at mag-edit ng mga bookmark.
- Magsalin
: Magsalin ng website sa ibang wika. Alamin kung paano magsalin ng mga webpage sa Chrome.
- I-delete ang data mula sa pag-browse
: I-delete ang iyong history ng pag-browse, cookies, at iba pang data mula sa Chrome. Alamin kung paano i-delete ang data mula sa pag-browse sa Chrome.
- Batay sa iyong paggamit
Tip: Sa ilang web page, posibleng makita mo ang isang nauugnay na aksyon sa toolbar, sa halip na ang gusto mong shortcut.
- Kung titingin ka sa isang page ng produkto kung saan available ang pagsubaybay sa presyo, posibleng makita mo ang “Subaybayan ang mga presyo
.”
- Kung titingin ka sa isang page na puwedeng ipakita sa pinasimpleng format, posibleng makita mo ang “Pinasimpleng view
.”