Makakakuha ka ng mga suhestyon sa pagsusulat kapag nagsulat o nagpino ka ng kasalukuyang text sa mga open na text field sa web gamit ang Tulungan akong magsulat. Makakatulong ito sa iyo sa mga short-form na content tulad ng mga review o survey.
Mga Requirement
Para gamitin ang feature na ito, tiyakin ang mga sumusunod:
- Nasa US ka at hindi bababa sa 18 taong gulang ang edad
- English ang itinakda mong wika sa iyong Chrome browser. Matutunan kung paano magpalit ng wika sa Chrome
- Naka-sign in ka sa iyong Google Account
- Na-on mo ang Mas pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse
Available lang ang feature na ito sa English, at sa Windows, Mac, at Linux sa ngayon.
Makatanggap ng mga suhestyon sa pagsusulat gamit ang Tulungan akong magsulat
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa website.
- Mag-right click sa open na text field.
- Para i-rewrite ang kasalukuyang text, i-highlight ang text na gusto mong i-rewrite at pagkatapos ay mag-right click sa text.
- Piliin ang Tulungan akong magsulat.
- Sa kahong “Tulungan akong magsulat,” ilagay ang iyong prompt.
- Puwedeng parirala, tanong, tagubilin, o pangungusap ang prompt na tutulong sa iyong magsimulang magsulat.
- Kung dating nag-highlight ka ng text mula sa open na text field, idaragdag ang text na ito sa loob ng kahon para sa iyo.
- Piliin ang Gawin.
- Para mag-edit ng mga sagot, subukan ang mga sumusunod:
- Para bumuo ng isa pang sagot, piliin ang Subukan ulit .
- Para i-edit ang iyong input, piliin ang I-edit I-update.
- Para palitan ang haba at tono, sa ilalim ng sagot, piliin ang gusto mong haba at tono.
- Para mag-undo ng pagbabago sa binuong text, piliin ang I-undo .
- Para mag-edit ng mga sagot, subukan ang mga sumusunod:
- Piliin ang Maglagay o Palitan.
Tip:
- Puwede mong i-rate ang suhestyon sa pagsusulat. Sa kahong “Tulungan akong magsulat,” piliin ang Thumbs Up o Thumbs Down .
- Kung Thumbs Down ang pipiliin mo, puwede kang magbigay ng feedback tungkol sa kung bakit hindi natugunan ng suhestyon sa pagsusulat ang iyong mga pangangailangan.
Mag-troubleshoot ng mga error sa Tulungan akong magsulat
Hindi makita ang Tulungan akong magsulat sa menu ng kontekstoKung hindi mo makita ang Tulungan akong magsulat sa menu ng konteksto, posibleng naka-sign out ka o naka-disable ang setting na “Mas pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse.” Matutunan pa ang tungkol sa mga requirement para magamit ang Tulungan akong magsulat.
Para mag-troubleshoot:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa
chrome://settings/syncSetup
. - Kumpirmahing naka-on ang “Mas pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse.”
Hindi ka makakakuha ng mga suhestyon sa pagsusulat kung mas mababa sa 3 salita ang iyong prompt o parirala. Maglagay ng hindi bababa sa 3 salita at subukan ulit. Puwede kang maglagay ng mga bagay na gaya ng:
- ilang salitang nagbubuod ng iyong mga iniisip
- unang draft
- tagubilin, “Masayang sumagot ng oo sa imbitasyon sa kasal na ito”
Kung hindi sinusuportahang wika o hindi maintindihan ang impormasyong ilalagay mo, makakatanggap ka ng mensahe ng error.
Kung maglalaman ng sensitibong impormasyon ang impormasyong ilalagay mo, makakatanggap ka ng mensahe ng error. Iwasang maglagay ng personal na impormasyon (tulad ng mga medikal o pinansyal na detalye) o gamitin ang tool na ito sa mga site na naglalaman ng personal o sensitibong impormasyon. Puwede kang sumubok ng iba pang request nang hindi isinasama ang impormasyon.
Tungkol sa Tulungan akong magsulat
Mahalaga:
- Hindi nagbibigay ng medikal, legal, o pinansyal na payo ang Tulungan akong magsulat.
- Huwag magsama ng personal na impormasyon tulad ng iyong pangalan, telepono, address, numero ng social security, o impormasyon ng credit card sa Tulungan akong magsulat.
- Kung maglalagay ka nga ng anumang personal o sensitibong impormasyon sa Tulungan akong magsulat, hindi ito gagamitin ng Chrome para sa mga layuning pagsasanay sa modelo.
- Iwasang gamitin ang tool na ito sa mga site na naglalaman ng personal o sensitibong impormasyon (tulad ng mga nasa medikal o pinansyal na site).
Pang-eksperimento at malikhaing tulong sa pagsusulat ang Tulungan akong magsulat na gumagamit ng Generative AI para tulungan kang mas madali at mabisang magsulat sa buong web.
Posibleng hindi tumpak o kaya ay nakakapanakit ang mga suhestyon ng Tulungan akong magsulat dahil nasa pang-eksperimentong status pa rin ito. Palaging suriin ang mga suhestyon ng Tulungan akong magsulat bago mo tanggapin ang mga ito.
Hindi kailanman magsusumite ang Tulungan akong magsulat ng text para sa iyo. Kapag naglagay ka ng suhestyon, lalabas ito sa text box kung saan mo na-activate ang feature. Gayunpaman, kailangan mong piliin kung gusto mo itong isumite, i-edit, i-delete, o isara lang ang webpage nang walang ginagawang anumang aksyon.
Paano ginagamit ang iyong data para sa Tulungan akong magsulat
Kapag ginamit mo ang Tulungan akong magsulat, ipapadala sa Google ang iyong text, content, at URL ng page kung saan ka nagsusulat. Alinsunod sa inilalarawan sa aming Patakaran sa Privacy ng Google, ginagamit ang impormasyong ito para mapahusay ang feature na ito, na kinabibilangan ng pananaliksik sa generative model at mga teknolohiya sa machine learning. Ginagamit din ang impormasyong ito para mag-alok ng mga mas ayon sa konteksto na suhestyon sa pagsusulat. Matuto pa tungkol sa aming Patakaran ng Google sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI.
Halimbawa, ginagamit ng Google ang iyong feedback para mapahusay ang bisa ng mga patakaran sa kaligtasan at tumulong na matugunan ang ilan sa mga hamon sa mga large language model.
Para pahusayin ang Tulungan akong magsulat, mayroong proseso sa pagsusuri ang Chrome, na kinabibilangan ng pagsusuri ng tao ng data, para tulungan tayong maunawaan ang mga uri ng mga problema na nangyayari.
Mga Tuntunin ng Serbisyo para sa Generative AISumasang-ayon ka na ang iyong paggamit ng Tulungan akong magsulat ay napapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google.