Pamahalaan ang naka-save na impormasyon ng form
Mahalaga: Naka-on bilang default ang setting na i-save at punan ang impormasyon para sa Google Password Manager, mga pagbabayad, impormasyon sa pakikipag-ugnayan, mga dokumento ng pagkakakilanlan, at paglalakbay. Kung na-off mo ang setting ng pag-save at pagpuno, hindi gagana ang autofill para sa impormasyong iyon.
Para i-access ang iyong naka-save na impormasyon:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill.
- Puwede mo ring piliin ang Larawan sa profile
Mga password at autofill.
- Puwede mo ring piliin ang Larawan sa profile
Puwede mong pamahalaan ang iyong impormasyon sa autofill para sa mga form, tulad ng:
- Google Password Manager
- Mga pagbabayad
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan
- Mga dokumento ng pagkakakilanlan
- Paglalakbay
Idagdag, i-edit, o i-delete ang iyong naka-save na impormasyon para sa pag-autofill sa Chrome
Kung naka-save sa Google Wallet ang iyong paraan ng pagbabayad, kakailanganin mong i-edit o i-delete ito sa Google Wallet.
- Piliin ang impormasyong gusto mong i-update, tulad ng mga pagbabayad, address, o impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
- Sa ilalim ng bawat kategorya, puwede mong i-on o i-off ang I-save at punan ang [impormasyon].
- Para magdagdag, mag-edit, o mag-delete ng impormasyon:
- Magdagdag: Sa kanang bahagi sa itaas ng uri ng impormasyon, piliin ang Magdagdag.
- May mga karagdagang opsyon at uri ng impormasyon na mapagpipilian ang ilang menu.
- I-edit o I-delete: Sa kanan ng naka-save na impormasyon, piliin ang Higit pa
I-edit o I-delete.
- Magdagdag: Sa kanang bahagi sa itaas ng uri ng impormasyon, piliin ang Magdagdag.
Kung magdaragdag, mag-e-edit, o magde-delete ka ng impormasyon at naka-sign in ka sa Chrome gamit ang iyong Google Account, lalabas din ang mga pagbabagong ginawa mo sa iba mo pang device kung saan ka naka-sign in sa Chrome gamit ang parehong account.
Mga Tip:
- Kapag nagsumite ka ng mga form na may bago o na-update na impormasyon, posibleng i-prompt ka ng Chrome na i-save ang data na ito sa iyong Google Wallet.
- Kapag naka-sign in ka sa iyong Google Account, mase-save ang impormasyon ng address sa Google Account mo. Ise-save sa iyong Google Wallet ang lahat ng iba pang impormasyon, tulad ng pagkakakilanlan at impormasyon ng sasakyan.
- Kapag nagdagdag ka ng mga paraan ng pagbabayad, loyalty card, at iba pang pass sa Chrome, mase-save ang impormasyong ito sa Google Wallet. Tinutukoy ng iyong mga setting ng privacy sa Wallet kung paano magagamit ang naka-save na impormasyong ito para sa pag-personalize at mga ad. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong mga setting ng privacy sa Wallet.
- Kung naka-off ang Gumamit ng mga pass sa buong Google sa iyong mga setting ng Google Wallet, lokal na ise-save sa device mo ang iyong impormasyon.
- Tip: Sa ilalim ng "Mga nauugnay na serbisyo ng Google," mapapamahalaan mo rin ang iyong Google Password Manager, Google Wallet, at Google Account.
Pamahalaan ang pag-autofill ng impormasyon sa pagbabayad
Kung may mga isyu ka sa hindi pagmumungkahi ng Chrome ng iyong naka-save na impormasyon
- Sa mga setting ng Chrome, tiyaking na-on mo ang feature na “I-save at punan” para sa impormasyong hindi nag-o-autofill.
- Para kumpirmahin ang pangalan at email na naka-share mula sa iyong Google Account para sa autofill, pumunta sa myaccount.google.com/personal-info.
- Para kumpirmahing na-save mo ang impormasyong hindi awtomatikong napo-populate, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill.
- Para payagan ang autofill na gumamit ng impormasyon mula sa Google Wallet, tiyaking naka-on ang Gumamit ng mga pass sa buong Google.
- Posibleng hindi ganoon ka-secure ang website para makuha ang impormasyong ito mula sa Chrome.
- Kung secure ang website, posibleng hindi nade-detect ng Chrome ang ilang partikular na field sa form.
I-delete ang iyong naka-save na impormasyon para sa pag-autofill ng form sa Chrome
Para i-delete ang lahat ng iyong address, paraan ng pagbabayad, o iba pang naka-save na impormasyon sa Chrome nang sabay-sabay:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
.
- Piliin ang I-delete ang data ng pag-browse.
- Pumili ng saklaw na panahon, tulad ng "Nakalipas na oras" o "Lahat ng oras."
- Sa ilalim ng "Advanced," piliin ang Data para sa pag-autofill ng form.
Hindi dine-delete ng paraang ito ang impormasyon sa pagbabayad at mga address na naka-store sa Google Pay, o ang impormasyong naka-store sa Google Wallet. Alamin kung paano mag-alis ng impormasyon sa Google Wallet.
Punan ang higit pang field gamit ang mas matalinong pag-unawa sa form
Mahalaga: Hindi lahat ng website at form ay compatible sa mas matalinong pag-unawa sa form.
Gamit ang mas matalinong pag-unawa sa form, mas mabilis na mao-autofill ng Chrome ang mga form para sa iyo.
Para magamit ang feature na ito, tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google Account sa Chrome.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting
Autofill at mga password.
- Sa ilalim ng "Mga setting ng autofill," piliin ang Mga setting ng autofill.
- I-on o i-off ang Mas matalinong pag-unawa sa form.
Para sa karagdagang proteksyon kapag nag-a-access ka ng sensitibong impormasyon, naka-on bilang default ang karagdagang pag-authenticate ulit, maliban na lang kung io-off mo ito. Nire-require ka ng setting na ito na gumamit ng karagdagang paraan ng pag-log in, tulad ng iyong fingerprint, mukha, o iba pang screen lock, kapag nag-a-access ka ng sensitibong impormasyon.
Kung hindi sinusuportahan ng iyong device ang biometrics, gagamitin na lang ng Chrome ang default na screen lock ng device mo tulad ng password o passcode.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting
Autofill at mga password.
- Sa ilalim ng “Mga setting ng autofill,” piliin ang Mga setting ng autofill.
- I-on o i-off ang I-verify na ikaw ito kapag naglalagay ng sensitibong impormasyon.
- Kung naka-off ang toggle na ito, hindi lalabas ang mga pag-authenticate tulad ng screen lock o biometric na pag-verify kapag sinubukan mong mag-autofill ng sensitibong impormasyon.