Ang third-party na pag-sign in ay uri ng federated na pag-sign in na nagbibigay-daan sa iyong mag-log in gamit ang serbisyo para sa pagkakakilanlan, sa halip na gumawa ng mga natatanging kredensyal sa pag-log in para sa bawat indibidwal na website na binibisita mo. Kung papayagan mo ang mga third-party na prompt sa pag-sign in, habang nagba-browse ka sa web, puwede kang makatanggap ng mga dialog na nagtatanong kung gusto mong mag-sign in gamit ang serbisyo para sa pagkakakilanlan.
Puwede kang mag-sign in sa mga website gamit ang Chrome sa pamamagitan ng gusto mong serbisyo para sa pagkakakilanlan. Sino-store at pinapamahalaan ng serbisyo para sa pagkakakilanlan ang iyong impormasyon sa pag-sign in at pagkakakilanlan sa buong web ayon sa pahintulot mo.
Pamahalaan ang mga prompt sa third-party na pag-sign in
Para piliin ang mga preference mo sa prompt sa third-party na pag-sign in:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa
Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Advanced," i-tap ang Mga setting ng site
Third-party na pag-sign in.
- Piliin ang setting na gusto mo:
- Puwedeng magpakita ang mga site ng mga prompt sa pag-sign in mula sa mga serbisyo ng pagkakakilanlan
- I-block ang mga prompt sa pag-sign in mula sa mga serbisyo para sa pagkakakilanlan
Mga Tip:
- Kung iba-block mo ang feature na ito, hindi magpapakita ang Chrome ng mga native na prompt para mag-sign in sa pamamagitan ng iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan, pero posibleng magawa pa rin ng website na binibisita mo o ng iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan na magpakita sa iyo ng mga katulad na prompt. Bukod pa rito, makakapag-log in ka pa rin gamit ang iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga karaniwang button sa pag-sign in o ng username at password mo.
- Kung io-off mo ang mga prompt sa pag-sign in sa iyong mga setting ng Google Account, hindi magpapakita ang Chrome ng mga prompt sa pag-sign in mula sa Mag-sign in gamit ang Google.
Awtomatiko kang makakapag-sign in sa site kung:
- Sinusuportahan ng site at serbisyo para sa pagkakakilanlan ang feature.
- Gumawa ka dati ng account sa site gamit ang serbisyo para sa pagkakakilanlan.
- Na-enable mo ang “Awtomatikong mag-sign in” sa Chrome. Alamin kung paano awtomatikong mag-sign in sa mga site at app.