Matuto tungkol sa third-party na pag-sign in

Ang third-party na pag-sign in ay uri ng federated na pag-sign in na nagbibigay-daan sa iyong mag-log in gamit ang serbisyo para sa pagkakakilanlan, sa halip na gumawa ng mga natatanging kredensyal sa pag-log in para sa bawat indibidwal na website na binibisita mo. Kung papayagan mo ang mga third-party na prompt sa pag-sign in, habang nagba-browse ka sa web, puwede kang makatanggap ng mga dialog na nagtatanong kung gusto mong mag-sign in gamit ang serbisyo para sa pagkakakilanlan.

Puwede kang mag-sign in sa mga website gamit ang Chrome sa pamamagitan ng gusto mong serbisyo para sa pagkakakilanlan. Sino-store at pinapamahalaan ng serbisyo para sa pagkakakilanlan ang iyong impormasyon sa pag-sign in at pagkakakilanlan sa buong web ayon sa pahintulot mo.

Pamahalaan ang mga prompt sa third-party na pag-sign in

Para piliin ang mga preference mo sa prompt sa third-party na pag-sign in:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting.
  3. Sa kaliwa, piliin ang Privacy at seguridad at pagkatapos Mga setting ng site.
  4. Sa ilalim ng “Content,” piliin ang Mga karagdagang setting ng content at pagkatapos Third-party na pag-sign in.
  5. Piliing ipakita o i-block ang mga prompt sa pag-sign in:
    • Puwedeng magpakita ang mga site ng mga prompt sa pag-sign in mula sa mga serbisyo para sa pagkakakilanlan: Kung na-enable mo ang "Awtomatikong mag-sign in," hindi mo na kakailanganing magkumpirma bago ka mag-log in sa website gamit ang iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan. Alamin kung paano awtomatikong mag-sign in sa mga site at app.
    • I-block ang mga prompt sa pag-sign in mula sa mga serbisyo para sa pagkakakilanlan: Kung iba-block mo ang feature na ito, hindi magpapakita ang Chrome ng mga prompt sa pag-sign in sa pamamagitan ng iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan. Puwede pa ring magpakita sa iyo ng mga katulad na prompt ang website na binibisita mo o ang iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan Makakapag-log in ka pa rin gamit ang iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga karaniwang button sa pag-sign in o ng username at password mo.
Awtomatikong mag-sign in sa site gamit ang iyong serbisyo para sa pagkakakilanlan

Awtomatiko kang makakapag-sign in sa site kung:

Tip: Kung na-dismiss mo kamakailan ang prompt na awtomatikong mag-sign in, posibleng ma-disable ito nang pansamantala.

Mga kaugnay na resource

Computer Android

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
10762816167081289953
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false