Para makakuha ng mas kapaki-pakinabang na impormasyon sa mga site, puwede mong payagan ang mga site na gamitin ang iyong lokasyon.
Ipaalam sa isang site ang iyong lokasyon
Bilang default, magtatanong sa iyo ang Chrome kapag gusto ng isang site na gamitin ang lokasyon mo. Para ipaalam sa site kung nasaan ka, piliin ang Payagan. Bago mo payagan ang isang site na gamitin ang iyong lokasyon, suriin ang patakaran sa privacy ng site.
Kung ginagamit mo ang Google bilang iyong default na search engine sa telepono mo, ginagamit ang iyong lokasyon sa mga paghahanap mo sa Google bilang default.
Baguhin ang iyong mga default na setting ng lokasyon
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Mga Setting.
- Sa ilalim ng “Advanced,” i-tap ang Mga setting ng site Lokasyon.
- I-on o i-off ang Lokasyon.
Tip: Para baguhin ang mga setting para sa isang partikular na site, i-tap ang mga nakalistang pangalan ng site.
Baguhin ang access ng Google sa iyong lokasyon
Kapag Google ang iyong default na search engine, ginagamit ang lokasyon mo para sa iyong mga paghahanap sa address bar at sa Google.
Para ihinto ang paggamit ng iyong lokasyon sa mga paghahanap:
- Sa iyong Android device, buksan ang Chrome .
- Pumunta sa isang page ng paghahanap ng Google, tulad ng
google.com
. - Sa kaliwa ng address sa web, i-tap ang Impormasyon ng page Mga Pahintulot Lokasyon.
- Piliin ang I-block para sa kasalukuyang search engine.
Paano ginagamit ng Chrome ang iyong lokasyon
Kung papayagan mo ang mga site sa Chrome na gamitin ang iyong lokasyon, magpapadala ang Chrome ng impormasyon sa Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google para matantya kung nasaan ka. Pagkatapos nito, mashe-share na ng Chrome ang impormasyong iyon sa site na gustong makakuha ng lokasyon mo.