Pabilisin ang Google Chrome

Puwede mong pabilisin ang Chrome sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.

Hakbang 1: I-update ang Chrome

Mas bibilis ang Chrome kapag ginamit mo ang pinakabagong bersyon nito. I-update ang Google Chrome.

Hakbang 2: Isara ang anumang mga hindi ginagamit na tab

Kapag mas marami ang nakabukas na tab, mas mahihirapang gumana ang Chrome. Kung isasara ang mga hindi kailangang tab, may mga mababakanteng resource para sa iyong device.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Lumipat ng tab Lumipat ng tab. Makikita mo ang iyong mga nakabukas na Chrome tab.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas ng tab na gusto mong isara, i-tap ang Isara Isara. Puwede ka ring mag-swipe para isara ang tab.

Hakbang 3: Palitan ang iyong mga setting ng pag-preload

Mas pinapabilis ng Chrome ang pagba-browse at paghahanap sa pamamagitan ng pag-preload ng mga page na sa tingin nito ay posible mong bisitahin. Para magawa ito, posibleng gumamit ng cookies ang Chrome, kung papayagan mo ang cookies, at posible itong mag-encrypt at magpadala ng mga page sa pamamagitan ng Google para itago ang iyong pagkakakilanlan mula sa mga site. Matuto pa tungkol sa cookies.

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Sa kanan ng address bar, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. I-tap ang Privacy at seguridad at pagkatapos ay I-preload ang mga page.
  4. Piliin ang setting ng pag-preload na gusto mo.

Mga Tip:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9625176215762231209
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false