Paano pinapanatiling pribado ng Chrome ang iyong URL at data ng paghahanap

Sa itaas ng window ng iyong Google Chrome browser, may pinagsamang web address bar at search bar. Kapag nag-focus o nag-type ka sa address bar, nagpapakita ito ng mga suhestyon para sa mga address sa web at query sa paghahanap batay sa history ng pag-browse ng iyong device at data mula sa default na search engine mo. Puwede mong pamahalaan ang mga suhestyong ibinibigay ng default na search engine sa mga setting ng Search engine ng Chrome.

Paano gumagana ang address bar

Para makapagbigay ng mga suhestyon at resulta ng paghahanap nang mas mabilis, posibleng mag-preconnect ang Chrome sa iyong default na search engine sa background.

Kung naka-enable ang setting na "Pahusayin ang mga suhestyon sa paghahanap," kapag nag-focus o nag-type ka sa address bar, nagpapadala ng data ang Chrome sa iyong default na search engine. Habang nagta-type ka, ipinapadala ang text, kasama ng iyong IP address at sino-store ang impormasyon ng paghahanap sa computer mo bilang "cookies," para magbigay ng mga suhestyon para i-autocomplete ang iyong mga query sa paghahanap. Bukod pa rito, kung Google ang iyong default na search engine at naka-enable ang "Mas pahusayin ang mga paghahanap at pag-browse," ipapadala ang kasalukuyang URL ng page na tinitingnan mo para pahusayin ang kaugnayan ng mga suhestyong ito,

Kung naka-enable ang setting na "Tumulong na pahusayin ang mga feature at performance ng Chrome," magpapadala rin ang Chrome ng data pabalik sa Google para mapahusay ang feature sa pagmumungkahi. Kapag pumili ka ng suhestyon, magpapadala ang Chrome ng impormasyon tungkol sa napiling suhestyon tulad kung paghahanap o URL ito, ilang character ang na-type mo bago mo ito pinili, at ang posisyon nito sa listahan ng mga resulta. Hindi kasama sa ipapadalang data ang eksaktong ita-type mo o ang URL na pipiliin mo.

Kung hindi Google ang default na search engine mo, ila-log ang iyong mga request para sa mga suhestyon at query sa paghahanap sa ilalim ng patakaran sa privacy ng search engine na iyon.

Paano namin pinoprotektahan ang iyong data

Kung naglalagay ka ng ilang partikular na uri ng sensitibong impormasyon sa address bar tulad ng mga password, lokal na filename, o HTTPS URL na may mga path, nade-detect ito ng Chrome. Kung natutukoy ng Chrome na posibleng naglalaman ng sensitibong impormasyon ang inilagay mo, hindi nito ipinapadala ang inilagay na text para sa mga autocomplete na suhestyon.

Kung isi-sync mo ang iyong history ng pag-browse sa Google Account mo, gagamitin ng Google ang iyong history ng pag-browse para magbigay sa Chrome ng mga nauugnay na suhestyon sa paghahanap. Kung magde-delete ka ng URL sa history mo ng pag-browse, hindi na nito maiimpluwensyahan ang mga naka-personalize na suhestyon sa iyo. Kung hindi ka magde-delete ng mga item sa history mo ng pag-browse, iso-store ang mga ito sa iyong Google Account nang hanggang isang taon batay sa mga setting ng Google Account mo.

Ikaw ang may kontrol

Baguhin ang mga setting ng iminumungkahing address sa web at paghahanap

Para makontrol kung ipapadala sa iyong default na search engine ang tina-type mo:

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Chrome Chrome.
  2. I-tap ang Higit pa at pagkatapos Mga Setting Mga Setting at pagkatapos Mga serbisyo ng Google.
  3. I-on o i-off ang Pahusayin ang mga suhestyon sa paghahanap.

Tip: Kahit naka-off ang setting na ito, posible pa ring mag-alok ang Chrome ng mga suhestyon batay sa iyong lokal na history ng paghahanap at pag-browse. Puwede mong pamahalaan ang iyong history ng paghahanap sa mga setting ng search engine mo. Alamin kung paano pamahalaan ang mga setting ng iyong history ng pag-browse sa Chrome.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
185529384951966008
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false
false
false