Para panatilihin kang ligtas at protektahan ang iyong privacy habang nagba-browse ka, may mga feature ng privacy sa mga ad ang Chrome na nagbibigay sa iyo ng higit pang kontrol sa kung paano puwedeng i-personalize at piliin ng mga advertiser ang mga ad na ipapakita sa iyo.
Ang mga paksang kinaiinteresan mo ay itinatala ng Chrome at nakabatay sa iyong kamakailang history ng pag-browse. Puwede ring mag-store ng impormasyon ang mga site sa Chrome tungkol sa iyong mga interes. Habang patuloy kang nagba-browse, posibleng hilingin sa Chrome na mag-share ng naka-store na impormasyon tungkol sa mga paksa ng ad o ad na iminumungkahi ng site para makatulong na mabigyan ka ng mas naka-personalize na experience sa ad. Para masukat ang performance ng mga ad, puwedeng i-share ang mga limitadong uri ng data sa mga site at app.
Puwede kang mag-opt out sa mga feature na ito sa iyong mga setting ng Chrome sa anumang oras. Nakadepende ang pagkaka-personalize ng ad na nakikita mo sa mga setting na ito, sa iyong mga setting ng cookie, at kung nagpe-personalize ng mga ad ang site na tinitingnan mo.
I-edit ang mga setting ng privacy sa ad
- Sa iyong device, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Privacy at seguridad
Privacy sa ad.
- Piliin ang feature ng ad na gusto mong i-on o i-off.
Para i-personalize ang iyong experience sa ad, itinatala ng Chrome ang mga paksang kinaiinteresan mo batay sa mga site na bina-browse mo, kung gaano kadalas mong binibisita ang mga ito, at iba pang pagsasaalang-alang. Kahit na walang paksa ng ad, puwede pa ring magpakita ng mga ad sa iyo ang mga site pero posibleng hindi ka interesado sa mga ito. Puwedeng mag-share ang Chrome sa mga site ng hanggang 3 paksa sa bawat pagkakataon. Puwede mong i-block ang mga paksa at kategorya ng mga paksang ayaw mong i-share sa mga site. Kapag nag-block ka ng paksa, hindi na ulit ishe-share ng Chrome ang paksang iyon, pero posibleng makakita ka pa rin ng mga ad na nauugnay sa paksa. Para mas maprotektahan ang iyong privacy, awtomatikong dine-delete ng Chrome ang mga paksa mong mas matagal na sa 4 na linggo.
Para mag-block ng paksa:
- Sa iyong device, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting
Privacy at seguridad.
- Piliin ang Privacy sa ad
Mga paksa ng ad.
- Sa ilalim ng "Mga aktibong paksa," piliin ang mga paksang iba-block.
Para mag-block ng kategorya ng mga paksa:
- Sa iyong device, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting
Privacy at seguridad.
- Piliin ang Privacy sa ad
Mga paksa ng ad
Pamahalaan ang mga paksa.
- I-off ang mga kategoryang gusto mong i-block.
Mga Tip:
- Batay sa iyong kamakailang history ng pag-browse, posibleng matagalan bago lumabas ang listahan ng mga paksa. Puwede kang mag-block ng mga kategorya ng mga paksa sa anumang oras, kahit na hindi pa lumalabas ang listahan ng mga paksa. Posibleng hindi ka makakita ng listahan ng mga paksa kung hindi sinusuportahan ng mga site na binibisita mo ang feature na ito.
- Kapag nasa isang site, puwede mong tingnan kung na-share ng Chrome sa site ang mga paksang kinaiinteresan mo. Sa address bar, piliin ang Tingnan ang impormasyon ng site
Privacy sa ad.
Para makatulong na maghatid ng naka-personalize na experience sa ad, puwedeng magrekomenda at pagkatapos ay mag-store ng mga suhestyon sa ad ang mga site tungkol sa mga bagay na posibleng magustuhan mo. Habang patuloy kang nagba-browse, posibleng makakita ka ng mga ad batay sa mga suhestyon mula sa mga nauugnay na site. Awtomatikong ide-delete ng Chrome ang mga suhestyon na mas matagal na sa 30 araw, pero posibleng lumabas ulit ang mga ito kung bibisitahin mo ulit ang site na iyon.
Kung ayaw mong magmungkahi ng mga ad ang isang site para sa iyo, puwede mong i-block ang site. Kapag na-block na, made-delete ang anumang nauugnay na data ng suhestyon sa ad. Ang mga na-block na site ay hindi na magso-store ng mga suhestyon sa ad sa Chrome, pero posibleng makakita ka pa rin ng mga ad na nauugnay sa mga site na iyon.
Para mag-block ng mga site:
- Sa iyong device, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga Setting.
- Piliin ang Privacy at seguridad
Privacy sa ad
Mga ad na iminumungkahi ng site.
- Sa ilalim ng "Mga Site," mag-block ng site mula sa listahan.
Mga Tip:
- Batay sa iyong kamakailang history ng pag-browse, posibleng matagalan bago lumabas ang listahan ng mga site. Posible ring hindi ka makakuha ng listahan ng mga site kung hindi pa ginagamit ng mga site na binibisita mo ang feature na ito.
- Kapag nasa isang site, puwede mong tingnan kung nagmumungkahi ang site ng mga ad para sa iyo. Sa address bar, piliin ang Tingnan ang impormasyon ng site
Privacy sa ad.