Puwede kang gumamit ng passkey para madali at secure na mag-sign in gamit lang ang fingerprint, pag-scan ng mukha, o lock ng screen. Ang mga passkey ay simple at secure na paraan para mag-sign in sa iyong Google Account at sa lahat ng site at app na pinapahalagahan mo — nang walang password. Posibleng hilingin sa iyong mag-sign in sa isang website gamit ang passkey o gumawa ng passkey para mapahusay ang seguridad ng account mo.
Alamin kung paano mag-sign in gamit ang passkey sa halip na password.
Tip: Binuo ang mga passkey ayon sa mga pamantayan sa industriya, kaya puwede mong gamitin ang mga ito sa maraming platform.
Higit pa tungkol sa mga passkey
Magkaiba ang mga passkey at password dahil ang mga passkey ay mga pares ng cryptographic key. Ang pares ng key ay partikular sa isang website. Ang kalahati ay ishe-share sa website, at ang kalahati ay pribado at iso-store sa iyong device o sa password manager mo. Gumagamit ang teknolohiyang ito ng secure na binuong code para i-authenticate ang iyong access sa mga website at app sa halip na password na posibleng manakaw o mag-leak.
Kasama sa mga benepisyo ng mga passkey ang:
- Hindi mo kakailanganing tandaan ang isang sequence ng mga titik, numero, at character para sa bawat site.
- Puwede kang mag-sign in sa mga account gamit ang teknolohiya sa fingerprint o pagkilala sa mukha.
- Puwede kang gumamit ng mga passkey sa iba't ibang operating system at ecosystem ng browser, at sa mga website at app.
- Sapat ang lakas ng mga passkey para hindi kailanman mahulaan o magamit ulit, kaya ligtas ang mga ito laban sa mga pagtatangka ng hacker.
- Nakakonekta ang mga passkey sa app o website kung para saan ginawa ang mga ito, kaya hindi ka kailanman malolokong gamitin ang iyong passkey para mag-sign in sa isang mapanlokong app o website.
- Available sa lahat ng iyong device ang mga passkey na naka-save sa Google Password Manager. Puwede mong gamitin ang mga ito sa lahat ng platform kung saan available ang Chrome kapag naka-sign in ka sa parehong Google Account.
Gumamit ng mga passkey
Puwede kang mag-store ng mga passkey sa iyong mga device. Magkakaiba ang proseso para sa bawat operating system at posibleng hindi ito available sa lahat ng system.
Mag-store ng mga passkey sa Google Password Manager
Puwede kang mag-store ng mga passkey sa Google Password Manager kung gumagamit ka ng:
- Windows computer
- Mac na may macOS 12 o mas bago
- Linux
Naka-store sa Google Account mo ang mga passkey at pinoprotektahan ang mga ito ng PIN, pattern, o password ng iyong Android device, o ng PIN sa Google Password Manager.
Para mag-save ng mga passkey sa Google Password Manager, tiyaking naka-sign in ka sa iyong Google Account sa kwalipikadong computer. Kapag bumisita ka sa site na sumusuporta sa mga passkey, tatanungin ka kung gusto mong gumawa ng passkey sa Google Password Manager.
Kung gumawa ka na dati ng passkey sa isang Android device, kakailanganin mo ang PIN, pattern, o password nito para ma-unlock ang iyong mga passkey.
Pamahalaan ang mga passkey sa Google Password Manager- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
Kapag nag-sign in ka sa isang site gamit ang password na naka-save sa Google Password Manager, puwedeng i-upgrade ng Google Password Manager ang password sa isang passkey. Kapag na-upgrade ang isang password, magpapakita ng notification ang Google Password Manager para ipaalam sa iyo na gumawa ang site ng passkey para sa iyo.
Para i-off ang mga awtomatikong pag-upgrade sa passkey:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting
.
- I-off ang Awtomatikong gumawa ng passkey para mas mabilis na makapag-sign in.
Tip: Kung walang “Awtomatikong gumawa ng passkey para mas mabilis na makapag-sign in” sa mga setting ng Google Password Manager, i-on ang Mag-alok na mag-save ng mga password at passkey. Magiging opsyon ang “Awtomatikong gumawa ng passkey para mas mabilis na makapag-sign in” sa ilalim ng setting na ito.
Mag-store ng mga passkey sa Windows
Kung mayroon kang Windows 10 o mas bago, puwede kang gumamit ng mga passkey. Para mag-store ng mga passkey, dapat mong i-set up ang Windows Hello. Kasalukuyang hindi sinusuportahan ng Windows Hello ang pag-synchronize o pag-back up, kaya sa iyong computer lang mase-save ang mga passkey. Kung nawala ang iyong computer o na-install ulit ang operating system, hindi mo mare-recover ang iyong mga passkey.
Mahalaga: Para magamit ang pamamahala ng passkey at pag-autofill ng passkey, dapat may Windows 11, bersyon 22H2 o mas bago, ang iyong computer.
Pamahalaan ang mga passkey sa Windows- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting
Pamahalaan ang mga passkey sa iyong profile sa Chrome.
Tip: Lalabas lang ang “Pamahalaan ang mga passkey” kapag may nagawang isa o higit pang passkey.
Mag-store ng mga passkey sa macOS
Puwede kang mag-save ng mga passkey sa iyong profile sa Chrome, kung saan pinoprotektahan ang mga ito ng macOS Keychain. Kung naka-sign in ang iyong macOS computer sa isang iCloud account, puwedeng mag-store ang Chrome ng mga passkey sa Apple Passwords. Hihilingin sa iyo ng MacOS na kumpirmahin ang access ng Chrome para magamit ang mga passkey mula sa Apple Passwords.
Kung wala kang iCloud account, puwede ka ring mag-save ng mga passkey sa iyong profile sa Chrome. Kung nawala ang iyong computer o na-delete ang profile sa Chrome, hindi mo mare-recover ang iyong mga passkey.
Pamahalaan ang mga passkey sa macOS- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Piliin ang Higit pa
Mga password at autofill
Google Password Manager.
- Sa kaliwa, piliin ang Mga Setting
Pamahalaan ang mga passkey sa iyong profile sa Chrome.
Mga Tip:
- Lalabas lang ang “Pamahalaan ang mga passkey sa iyong profile sa Chrome” kapag may nagawang isa o higit pang passkey.
- Puwede kang mag-delete ng mga naka-save na passkey sa profile mo sa Chrome kapag nag-delete ka ng iyong data mula sa pag-browse.
Mag-store ng mga passkey sa security key
Puwede kang gumamit ng security key para i-store ang iyong mga passkey.
Mahalaga: Hindi naka-back up ang mga passkey na naka-store sa mga security key. Kung mawawala o ire-reset mo ang security key, hindi mo puwedeng i-recover ang iyong mga passkey.
Gumamit ng mga passkey sa ibang device
Puwede mong gamitin ang Chrome sa iyong computer para gumawa at gumamit ng mga passkey sa ibang device. Mananatili sa ibang device ang iyong mga passkey.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa page sa pag-sign in ng isang site kung saan mo gustong mag-log in.
- Kapag na-prompt na gamitin ang iyong passkey, piliin ang Ibang device.
- Posibleng kailangan mong piliin ang Sumubok ng ibang paraan.
- I-scan ang QR code gamit ang iyong mobile device.
Tip: Pagkatapos mong i-scan ang QR code sa mobile device, puwede mong piliing tandaan ng iyong mga device ang isa't isa. Kung gagawin mo ito, ipapakita ng computer ang iyong mobile device bilang opsyon kapag kailangan mo ng passkey. Kapag pinili mo ito, makakatanggap ka ng notification sa iyong device na i-verify ang pagkakakilanlan mo.