Gamit ang mga setting ng performance ng Chrome, magagawa mong:
- Matulungan ang mga aktibong tab na gumana nang maayos
- Mapigilang ma-deactivate ang mga partikular na site
- Mapatagal ang baterya ng iyong computer
- Mag-browse at maghanap nang mas mabilis
Mahalaga: Hindi mo mape-personalize ang performance ng iyong Chrome sa mga mobile device na may iOS at Android. Matuto ng iba pang paraan para mapabilis ang Chrome.
I-on o i-off ang Memory SaverPara matipid ang memory ng iyong computer at matulungan ang mga aktibong tab na tumakbo nang maayos, nagde-deactivate ang Chrome ng mga tab na hindi mo kasalukuyang ginagamit. Kapag nag-access ka ng hindi aktibong tab, awtomatiko itong magre-reload.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Performance.
- I-on o i-off ang Memory Saver.
Mga Tip:
- Para matulugan ang iyong aktibong tab na video at gaming na tumakbo nang mahusay, i-on ang Memory Saver.
- Posibleng mapigilan ng ilang setting at aktibidad sa iyong computer ang pag-deactivate ng tab.
- Aktibong audio o video (pag-playback o mga tawag)
- Pag-share ng screen
- Mga notification sa page
- Mga aktibong pag-download
- Mga bahagyang nasagutang form
- Mga naka-pin na tab
- Mga nakakonektang device (USB o Bluetooth)
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Hitsura.
- Para i-on o i-off ang Ipakita ang paggamit ng memory:
- Windows, Linux, at ChromeOS: Sa ilalim ng “Card ng preview na lalabas kapag nag-hover sa tab,” i-on o i-off ang Ipakita ang paggamit ng memory ng tab.
- Mac: I-on o i-off ang Ipakita ang paggamit ng memory sa card ng preview na lalabas kapag nag-hover sa tab.
Para maiwasang ma-deactivate ang isang site, idagdag ito sa iyong listahan ng hindi isinama na “Palaging panatilihing aktibo ang mga site na ito.”
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Performance.
- Sa kanan ng “Palaging panatilihing aktibo ang mga site na ito,” piliin ang Magdagdag.
- Mula rito, may 2 opsyon:
- Magdagdag ng mga kasalukuyang site: Pumili sa mga available na site na kasalukuyang nakabukas sa isang tab.
- Piliin ang box sa kaliwa ng site na gusto mong idagdag, at i-click ang Idagdag.
- Para bumalik, piliin ang Kanselahin.
- Manual na magdagdag ng mga site
- Ilagay ang address sa web.
- Piliin ang Idagdag.
- Para bumalik, piliin ang Kanselahin.
- Magdagdag ng mga kasalukuyang site: Pumili sa mga available na site na kasalukuyang nakabukas sa isang tab.
Tip: Ang format ng address sa web para sa patakaran para sa manual na hindi pagsasama ng site ay: [scheme://][.]host[:port][/path][@query]
.
Narito ang ilang halimbawa ng kung paano manual na magdagdag ng mga site kung gusto mong hindi isama ang:
- Mga buong domain at subdomain: Huwag isama ang scheme ng URL. Halimbawa, pinagtutugma at pinipigilan ng
google.com
ang pag-deactivate ng mga subdomain tulad ngdrive.google.com
atcalendar.google.com
. - Mga partikular na domain, pero hindi ang anumang subdomain: Magsama ng tuldok (.) bago ang host ng URL. Halimbawa, hindi tutugma at mapipigilan ng
.google.com
ang pag-deactivate ng mga subdomain tulad ngwww.google.com
,drive.google.com
, atcalendar.google.com
. - Partikular na subdirectory: Isama ang URL path. Halimbawa, pinagtutugma at pinipigilan ng
www.google.com/finance
ang pag-deactive ng lahat ng page ng Google Finance, pero hindi ito makakapigil sa pag-deactivate ng mga pangunahing page ngwww.google.com
. - Mga bahagi ng host ng URL at query: Puwedeng gamitin ang mga asterisk (*) bilang mga wildcard. Halimbawa, pinagtutugma at pinipigilan ng
https://*
ang pag-deactivate ng lahat ng https na site at pinagtutugma at pinipigilan ngyoutube.com/watch?v=*
ang pag-deactivate ng mga video sa YouTube.- Hindi sinusuportahan ang mga wildcard para sa mga tugma sa prefix, suffix, o substring ng bahagi ng host ng URL. Halimbawa, hindi tutugma at makakapigil ang
*oogle.com
ogoogle.com/*
sa pag-deactivate.
- Hindi sinusuportahan ang mga wildcard para sa mga tugma sa prefix, suffix, o substring ng bahagi ng host ng URL. Halimbawa, hindi tutugma at makakapigil ang
Para patagalin ang baterya ng iyong device, binabawasan ng Chrome ang rate ng pag-capture ng larawan nito at iba pang gawain sa background. Kapag naka-on ang Energy Saver, awtomatiko itong gagana kapag hindi nakasaksak ang iyong device, o kapag kaunti na lang ang baterya mo. Hindi mao-on ang Energy Saver kapag nakasaksak ang iyong device.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Performance.
- I-on o i-off ang Energy Saver.
- Piliin ang setting na gusto mo.
Mga Tip:
- Para patagalin ang baterya ng iyong device para sa isang mahabang road trip o pagsakay sa eroplano, i-on ang Energy Saver.
- Kapag naka-on ang Energy Saver, posibleng makapansin ka ng mga pagbabago sa performance ng gaming at video.
- Available ang Energy Saver sa Windows, Mac, at ChromeOS device na may naka-install na baterya.
Para mag-browse at maghanap nang mas mabilis, pine-preload ng Chrome ang mga page na posibleng bisitahin mo. Para mag-preload ng mga page, posibleng gumamit ng cookies ang Chrome, kung papayagan mo ang cookies, at posible itong mag-encrypt at magpadala ng mga page sa pamamagitan ng Google para itago ang iyong pagkakakilanlan mula sa mga site. Matuto pa tungkol sa cookies.
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, piliin ang Performance.
- I-on o i-off ang Mag-preload ng mga page.
- Piliin ang setting na gusto mo.
Mga Tip:
- Para ma-preload ang ilan sa mga page na malamang na bibisitahin mo, piliin ang Standard na pag-preload.
- Para makapag-preload ng mas marami pang page na malamang na bibisitahin mo, piliin ang Extended na pag-preload.